Idea
"Hindi pa ba tayo aalis?"
Hilaw kong nginitian si Tobias nang bumaling siya sa akin mula sa mahabang pakipagtitigan niya sa mga pagkaing halos hindi ko naman manguya at malunok ng maayos kanina.
Pareho pa rin kaming nakaupo sa kawayang lamesa at upuan sa lilim ng punong manga. Ilang minuto na rin kaming nakatunganga doon at hindi tumatayo. I keep on fidgeting on my seat and he keeps on staring at the foods left infront of us.
We had our breakfast earlier. Awkward breakfast, I must say. Wala kaming naging imikan hanggang sa natapos na lang kaming dalawang kumain. Usual breakfast meal ang hinanda ni Tobias sa lamesa. Hindi na nga ako nag-abalang magtanong kung papaano siya nakapagluto in just a short spun of time. Nananaig sakin ang kagustuhang makauwi sa mansyon.
"Hintayin mo ulit ako dito.."
Sa wakas ay tumayo na rin siya. Nagsimula siyang magligpit ng pinagkainan namin. Hindi ko sinunod ang utos niya. Tumayo rin ako at nakiligpit. Napatingin ulit siya sa akin.
"I'll help you with this."
Tumango siya at naglakad na papasok sa cabin niya. Akmang susunod na rin akong papasok para ilagay ang mga dala kong pinagkainan namin sa loob nang harangan niya ako at kinuha niya ang mga ito sa mga kamay ko. Napagsarhan tuloy ako ng pinto.
Napapangusong inirapan ko ang pinto. Kung sana lang tumagos hanggang loob ang talim ng titig ko baka nasugatan na si Tobias. How rude! Siguro may tinatago sa loob kaya ayaw magpapasok ng iba!
"Yndra, can you hear me? I said let's go."
Napakurap ako ng nakitang nakadungaw sa akin ang mukha ni Tobias in high definition. As if on cue, dali-dali akong napaatras at tinalikuran siya.
Napapikit ako nang lumarawan sa isip ko ang lapit ng mukha niya sa akin kanina. Damn! Those hazel brown serious eyes and aristocrat nose..isali na rin natin ang mapupula niyang labi at ang pinakapaborito kong parte ng mukha niya-- the perfect jawline. Kung hindi lang rin nagflash bigla ang imahe ng plano ko at mga pinaglalaban ko ay tiyak madadarang na naman ako sa kung anong bagay na dapat ay huwag kong pagtuunan ng pansin. Focus, Yndra!
Sinadya kong mabagal maglakad habang nakasunod sa nauunang maglakad na si Tobias. Dumistansya ako sa kanya at tama lang yung pwesto ko para makita kung sakaling liliko man siya o hindi.
"Yndra.."
Bigla siyang tumigil at tinawag ako.
Napansin kong bumalik kami sa flower aisles.
"Did I act like a jerk here?"
Nang huminto ako sa paglapit sa kanya ay siya na mismo ang bumalik sa kung saan ako nakatayo. Frustration is visible in his eyes while waiting for my answer.
"M-my answer will not matter, Tobias. If you acted like a jerk here, then so what? You can actually hate me and I won't give a damn about it."
"Fuck!"
Sinipa niya ang bato na nasa aming paanan bago siya may kung anong hinugot mula sa bulsa niya. Mula sa kung saan ay tumunog ang isang sasakyan. Binasa ko ang nasa harapan. Ford Everest. Nasaan na ang Pick up niya?
"C'mmon, Yndra. Hurry and hop in."
Magulo ang buhok na hinarap niya ako. Hinatak niya ako papunta sa gilid ng kotse at may kung ano-ano siyang binulong sa kanyang sarili. Isa lang ang nararamdaman ko--- naguguluhan.
"Tumawag kanina si Tito. Kadadating lang nila ni Mommy sa mansyon."
Malapit na kaming lumagpas sa site nang muli siyang umimik. Masyadong malalim ang iniisip niya kaya hinayaan ko na lang. Kahit pa nga ay naninibago ako sa pag-iiba iba ng mood niya.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomansaPaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
