Kabanata 15

10.2K 271 58
                                        

Arseus

"Fuck this, kid! Kakalimutan ko talagang selos na selos na ako kanina pa!" Niyakap niya ako ng mahigpit. "Ang bata mo pa nga, pero gustong-gusto talaga kita.."

Oh holy damn, this is it, aryt? A step closer to my plans, but a dangerous fall for my heart!

Damn, nauna pa yata akong nahulog..

..kung hindi ko lang alam kung papaano kumapit. Siguro kakalimutan ko yung mga pinaglalaban ko kung wala lang talaga akong alam simula pa lang.

Play after play. Pain after pain. Cheat after cheat.

Yes, I met Tobias in Tipsy Villa. I easily got hooked by her eyes which made me decide to know more about him. I got his name... and the name of his long time girlfriend. With that, tumigil ako sa kakastalk sa kanya. Besides the fact that he's so unreachable, he's also taken.

That was the reason why I only knew him by his eyes and his signature tight grip. That's the main reason why I got so shocked upon knowing that he's Claricia's son.

"Now, you tell me straight kid, sino iyang lalaking gusto mo?" Tanong niyang muli sa akin. Ang kanyang hininga ay nangingiliti sa aking batok. Ang kanyang mabulaklak na mga salita ay pumupunla sa mga halamang nasa tiyan na pinamumugaran ng mga paru-paro na pilit kinikiliti ako kahit na dapat ay kahungkagan lang ang maramdaman ko.

"Basta.." Medyo umisog ako palayo ngunit gamit lang ang isang braso niya ay naipirmi niya muli ako sa aking pwesto. " H-hindi nga kasi ikaw! Wag kang asyumero, Tobias!" Paos kong bwelta.

What would be his girlfriend's reaction if ever she'll know about this?

Jeazza Reid.

If I still remembered it clearly, iyon ang pangalan ng girlfriend niya. Sikat itong modelo at kaibigan nung artistang si Lhette Herberts na nakita kong kahalikan noon ni Tobias sa Tipsy Villa. Well, that's how he plays. Kahit magkaibigan pinapatos niya.

"Hmm. So, you're just playing with me kid?" Mas lalo niyang inilapit ang kanyang katawan sa akin. Allowing me to feel his hard chest brushing ruthlessly over my sensitive back. "What about all those sensual kisses we shared, Yndra?"

"Don't make it a big deal, Tobias. Matagal akong hindi nahalikan kaya medyo nasabik ako kapag sumusubok ka."

Humigpit lalo ang hawak niya sa akin. Halos durugin ako sa halong panggigigil at galit.

What now, Tobias? Hindi mo ako makuha sa simpleng salita mo? Gusto kong matawa sa larong pormal na nasimulan ko na nga talaga.

"You longed to be kissed huh? Sinasabi mong nakakapanabik ako pero hindi mo pala ako gusto," mapanuyang wika ni Tobias. "Sino ba talaga yang lalaking gusto mo at nang masuntok ko!"

Sa isang iglap ay napahiga na ako sa kama at sakop niya na muli ang aking mga labi. Iba ang kaniyang halik ngayon, tila may nais patunayan. Hindi na kailangang manghamon dahil mapipilitan kang tumugon na lang.

"Kung ganoon, anong klaseng halik ang kailangan mo Yndra? How many kisses do you need so that you can like me back?!"

Hingal ko siyang pinagmamasdan habang nakadungaw siya sa akin. Pinipilit na huwag magmura kahit na kita-kita ko ang tensed muscle sa bawat gilid ng kanyang panga. Mapula ang kanyang labi mula sa paghalik sa akin.

"I don't know, Tobias. I just liked your lips, not you." Malamig kong sabi. "I'm just physically attracted to you."

"I can always try to make you like me, Yndra," umalis siya sa kama. Iniwan ako doong nakahiga pa din. "I can risk myself playing, knowing that I have the privilege to at least kiss you.. to assume that you got jealous." Ngumisi siya sa akin.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon