Kabanata 22

9.3K 257 38
                                        

Guy

"He left me..and I'm stupid to cry even if I don't have the right.."

Madamdamin kong saad. Tinitingnan silang lahat na agad nagreact sa sinabi ko. Mas lalo slang nag-ingay matapos kung maibigay ang pinakahihintay nilang hugot ko ngayong gabi.

Nakisimpatya ang mga kababaehan habang napapamura naman ang mga kalalakihan. They chanted my name over and over again. Hindi sila tumitigil hanggat hindi ko sinimulang kaskasin ang aking gitara.

Tumingala ako sa mga naglalarong ilaw sa itaas. Nagsisilbi itong bagay na lumalarawan sa mas lalalim pang gabi. Sa lahat ng mga ilaw na ito ay paborito ko talaga ang kulay berde.. nagpapaalala sa akin sa luntiang kapaligiran ng Pueblo Dulce.

Ang mga ito na lang ang nagbibigay buhay sa kadilimang hanggang ngayon ay nakabalot pa rin sa buhay ko. Kakaiba ang bawat kislap nito magmula sa mga nangyari 3 taon na ang nakararaan.

Hinawakan ko ang microphone at nagsimula sa malamig kong pagkanta sa saliw ng cover ng Boyce Avenue sa kantang The Scientist. Halos sa buong durasyon ng kanta ay nakapikit lamang ako at ayaw buksan ang aking mga mata.

This is my life now. Nag-aaral sa umaga. Kumakanta sa gabi. Estudyante kapag may araw sa labas, bokalista kapag sumasapit ang kadiliman para sa lahat.

"Thank you for coming tonight, everybody! Let us all move on!" Masigla kong sigaw nang matapos ko ang kanta. Umaasang ang panghuling sinabi ko ay tuluyan ko nang maisagawa para sa sarili ko.

Diretso na ang lakad ko papuntang backstage. Tinanggap ng kabanda kong si Andrija ang aking guitar na nakasabit sa aking likod. Tulad ng nakasanayan ko na sa ugali niya, ngingiti lang siya at aalis na kaagad. Syempre ay dahil ito sa paghahabol niya sa kanyang evening classes.

"What can you say about my performance?" Nilapitan ko ang aking kapatid na nakabusangot sa isang gilid. Galing pa siya sa kanyang trabaho at pinilit lang na sunduin ako dito sa club na tinutugtugan ko every Monday, Wednesday, at Friday night.

"I always know that you got the talent my sister, hindi mo na kailangang magtrabaho dito para lang mapatunayan iyon." Sagot niya sa akin.

Natawa ako dahil makailang beses niya na itong sinabi sa akin. Kinukumbinse ako na tumigil na sa pagtatrabaho dito kahit na alam niyang wala sa bukabolaryo ko ang sumunod sa mga gusto niya.

"This is what I want to do, Theo. Nung pumasok ako sa banda 2 years ago, pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng purpose sa mundo." Malungkot akong ngumiti sa kanya.

Nanlambot ang kaniyang mga mata. Napaiwas nga lang ako ng tingin nang mahaluan ito ng tingin niyang nakakaunawa ngunit naaawa.

"Don't pity me." Sabi ko bigla.

"It's not that, Yndra. Ayaw ko lang naman na maapektuhan ang pag-aaral mo sa ginagawa mong ito." He tried to let me understand his point.

Alam ko naman iyon. I'm still on my 3rd year in studying Business Administration at the University of Southeastern Philippines here in Davao. Kahit na gustong-gusto kong mag-aral ng Agricultural Engineering ay hindi ko na ginawa. Nalaman ko kasing limang taon ang kailangan mong igugol para makatapos sa kursong iyon. Baka mamatay ako sa kakagig para lang magawang makapag-aral.

"Dad is reaching to you. You can accept the support he wants to give for you." Hopeful ang mga mata ng kapatid ko habang sinasabi ang sushestiyon niya. "In that way, you don't need to exhaust yourself in working part time."

Mahina lamang akong umiling dahil ang paninindigan ko ay nakatayo ng sobrang tayog. I've been independent now, ni isang kusing sa mga perang binibigay ng Dad namin ay wala akong ginastos. Siguro'y ang maituturing na pinahalagahan ko sa lahat ng naibigay niya ay ang condo unit na siyang tinitirahan ko ngayon. Iyon lang ng bagay na kaya kong tanggapin mula sa kanya.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon