Kabanata 11

9.8K 266 7
                                        

Forgot

"Chiara."

Isang beses pa na kinalma ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagpikit ng mariin. Nakayakap pa rin ako ng mahigpit kay Tobias na parang doon na nakadepende ang buhay ko. I feel how heavy his breathing and how it produce a soothing feeling within me that makes me calm.

"Turn around, Chiara. Harapin mo naman ako!" Hindi malakas ang kanyang pagkakasabi, pero mariin ang bawat haplos ng salita mula sa bibig niya na tumarak sa puso ko.

Kumawala ako sa yakap ni Tobias at hinarap siya.

"Tita Ophelia.."

Parang isang malayang hangin lang na lumabas sa aking bibig ang pangalan niya. My lips were used to call her name.

"It's really you.." Narinig kong mahinang bulong ni Tita Ophelia pero sapat na para marinig ko. "It is true, nandito ka nga talaga.."

Nangilid ang luha ko nang makita ko ang sakit na bumabalot sa kanyang mga mata.

"T-tita..huwag dito please."

I don't want to get caught for another commotion again.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kabuohan. Nahabag ako nang makita ang sakit sa mga mata niya ay salungat na salungat sa sopistikada niyang anyo.

Nanginginig ang kanyang mga daliri na nakahawak sa mamahalin niyang bag. Katulad ng lagi niyang sinusuot, nakapulang corporate attire siya at maayos na nakaayos ang kanyang buhok. Hindi siya mahilig sa makapal na make up kaya kitang-kita ko ang tila pagdagdag ng edad niya. Napansin ko rin ang pagbawas ng kanyang timbang.

"Let's go somewhere else, Tita.."

I saw how she managed to nod after hearing that. I saw how she painfully gained her lost composure and stoic face. Sumunod siya sa akin ng walang imik.

Can I really do this to her?

Dumiretso kami sa isang restaurant dito sa loob ng mall. Papasok sa entrance ay naramdaman ko ang marahang paghawak ni Tobias sa aking siko.

"I'll wait outside," His voice is foreshadowing the means of understanding.

Sumusulyap sa mapanuring tingin ni Tita Ophelia sa amin ay bahagyang tumango ako. Dumiretso na ako sa pinakasulok na lamesa pagkatapos.

Makailang ulit kong pinagmasdan ang bawat galaw ni Tita. Mula sa pag-upo niya ng tuwid sa aking harapan hanggang sa kaswal na pag-order niya ng inumin.

"H-how are you, Chiara?" Pumikit siya ng mariin. Pinipigilan ang pag-alpas muli ng emosyon katulad ng nangyari kanina.

"I am beyond okay tita. I found my father," Walang kagatol-gatol kong saad. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa para sa mataas na argumento. Hindi ko na ininda ang mahapding suntok sa didbdib dahil sa sinabi.

She sigh. Bumagsak ang kanyang balikat. Hindi ko inaasahan ang pag-alpas ng isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.

"Y-you found him, but she lost you.." Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Mahigpit niya itong hinawakan. "You're hurting her, Chiara.. Hinahanap ka niya.."

Parang linagyan ng alcohol ang hindi pa naghihilom na sugat sa aking puso. Beyond the pain, I remembered the phone call.. I remembered her voice.. I remembered my reason. I remembered Carmelia Villacias, my mother..

"Its almost a month now, Chiara. Hanggang kailan mo plano magtago dito? Hanggang saan ang kaya mong balewalain kami? Hanggang kalian mo siya iiwanan?"

"She lost her self. Don't let her lost it forever," Umiyak na ng tuluyan si Tita Ophelia. "Ikaw na lang ang kinakapitan niya. You're the only strength of your mother.."

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon