Kabanata 14

9.6K 277 49
                                        

Gusto

I wish that we could dance more. Gustong-gusto ko kapag nakikita ang kulay ng kanyang mga mata habang masuyong tumitingin sa akin. It feels so great to have at least a little access to know what's written on his mind. Kahit sobrang misteryoso pa ang huli, masaya akong malaman na nagtagumpay ako pagdating sa kanya. Huwag ko na lang muna iisipin ang mga susunod na maaaring magaganda at masasayang sandali namin na siyang magiging susi para sa makasarili kong mga plano.

"I really love the way you held a grip on my waist," Ngumiti ako sa kanya. "Possessive.. and I feel so..owned."

Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa aking bewang. Parang ayaw na akong bitawan.

"I hate to say this, but it's time to let you dance with other men, Yndra." Mabigat siyang bumuntong-hininga.

"You would let me?" Panunuya ko.

"I should." Niluwagan niya ang kapit sa aking bewang. "I'm content with what I made you feel, kid. I'm confident that you won't enjoy their company."

"So confident.."

"Yes, because I made sure that the moment they will hold your waist like this, you will only remember my grip."

Hindi na ako nakapagsalita dahil agad na niya akong binitawan. Pumalit sa pwesto niya ang isang pamilyar na mukha.

"Hey, Yndra." Bati ni Adam Clavesta sa akin. Nilalahad ang kamay na may hawak ng pangatlong rosas. Lumilitaw ang dimples niya sa pagngiti sa akin.

Tipid akong ngumiti bago ko tinanggap ang rosas.

Hindi ko alam kung bakit ako kilala ng artistang ito at bakit ito nandito. Lalong wala naman akong pakealam dahil the moment na dumantay ang kanyang kamay sa bewang ko ay totoo ngang ang hawak lang ni Tobias ang maaalala ko. Ang nangyayari tuloy ay nagiging uneasy ako everytime na napapasulyap ako sa seryoso niyang mukha na nakamasid sa aking pagsasayaw mula sa hindi kalayuang silya.

Nangyari pa ito sa sumunod kong kasayaw na si Apollo Montravo at sa sumunod pang labing-tatlo na mga kalalakihang parte pa rin ng 18 roses ko. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako ng malapot kahit malabo iyon dahil fully air conditioned ang buong function hall.

"Hi, Beautiful!" Jace widely smiled at me while holding the last piece of rose.

Hindi ko alam na  time na pala para sa last dance ko. Nang tumingin ako sa paligid ay halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin. They have these dreamy eyes on their faces.

Nilingon ko si Tobias at nahigit ko ang aking hininga nang nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin.
Nanghihina ako sa klase ng tinging binibigay niya.

Nanginginig ko tuloy na kinuha ang rosas mula kay Jace. Gusto ko nang matapos ang sayaw kaya ako na mismo ang naglagay ng aking mga kamay sa kanyang balikat.

Jace smiled at me knowingly and hold my waist.

"Happy Birthday.." Bulong niya sa akin. Hindi ko namalayan na sobrang lapit niya na pala sa akin.

Naging uneasy na naman ako dahil tila nararamdaman ko ang tingin ni Tobias sa aking likod. He's shooting daggers and I want to shout at him and say that I'm not enjoying this dance with my ex boyfriend!

"I'm sorry for what I've done, Yndra. Alam kong nasaktan kita ng sobra-sobra. I judged you and your mother.. that's why I ended cheating in our relationship.."

Wala na talaga akong maramdaman. Kahit sa Cebu pa lang ay nakalimutan ko na ang ginawa niya. Siguro, nanatili ang aking galit at pandidiri dahil inulit niya ang ginawa ni Papa. Pero, hindi na talaga ako apektado..

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon