Maturity
Sumapit ang gabi nang hindi na ulit ako lumabas ng kwarto. Pagkatapos umalis ni Apollo ay sumunod na rin akong umalis sa kanya. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Papa. Iyong pagturing niya nang anak kay Tobias at maging ang pagpapatira niya sa lalaking iyon dito sa mansyon.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako tumutol. Nanatili lang akong tahimik sa mga nangyayari.
Nasaan na ang inipon kong lakas ng loob para makauwi dito? Nasaan na ang dahilan ng pag-uwi ko?
Iilang katok na rin ang narinig ko mula sa labas ng aking kwarto. Kanina pa ako kinakatok para sa hapunan pero wala akong pinagbubuksan. I locked myself inside this room and I kept the key with me. Medyo gutom na rin ako dahil kahit nung pananghalian ay hindi ako bumaba para kumain.
"Yndra, alam kong hindi ka tulog. Kumain ka na dito."
Tinakpan ko ng unan ang aking tainga nang marinig ko ang boses ni Papa sa labas ng kwarto. Hindi ito ang unang beses na pumunta siya sa kwarto ko para anyayahan akong kumain o lumabas man lang.
Napabuntong hininga ako nang makalipas ang ilang minuto ay tumigil na rin si Papa sa kakakatok. Tumihaya ako ng maayos at pinakatitigan ang puting kisame.
I can still clearly remember how disappointed I am to know that Tobias is Claricia's son. Hindi matanggap ng sistema ko na ang unang lalaking hindi nagpatulog sa akin ng ilang gabi ay ang lalaking anak ng taong sumira ng pamilya ko. I can't let go of the thought that he used to be the one I wanted to see again.
Ngayon ay nalaman kong walang katuturan ang lahat. He is Tobias Zajares. His surname states the obvious. Kung bakit ayaw kong makita ang mukha at mga mata niyang nagpapakaba sa akin.
Mahinang katok ang nagpalingon sa akin sa pintuang nakasarado. Inihahanda ko na ang sarili ko sa mga tawag ni Papa o ni Nanay Esme.
"Yndra..."
Halos mahulog ako nang bumalikwas ako ng bangon. Nanginginig ang aking mga tuhod nang humakbang ako palapit sa nakasaradong pinto ng aking kwarto.
Alam kong hindi ako nagkamali sa aking narinig. Gusto ko mang paniwalaang wala akong narinig na baritonong boses na tumawag sa pangalan ko ay hindi ko magawa. I heard it clearly...
"This is Tobias..."
Ang dating malakas na tibok ng puso ko ay biglang dumoble ang lakas. Napaawang na lang ang bibig ko at napako ang mga paa malapit sa pinto.
"Yndra..."
Gusto kong nang magmura sa muli niyang tawag. Binanggit niya ng dalawang beses ang pangalan ko... at apektadong-apektado ako!
"You should eat. Aalis ako ng mansyon sandali para kumain ka na."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong buksan ang pinto. Tumambad ang nakasandal sa gilid ng pinto na si Tobias. Dahan dahan ay humarap siya sa akin.
Pagod ang kaniyang mga mata nang bumaling sa akin. Seryoso at matiim ang kaniyang mga titig na lalong mas nagpalakas sa tibok ng puso ko. Kitang-kita ko ang pag-iling iling niya bago sa isang hakbang ay napunta siya sa harapan ko.
"W-What are you trying to s-say?"
Hindi ko alam na may tapang pa pala ako para salubungin ang titig niya. Kahit nautal ako ay ipinapakita ko pa ring kaya ko siyang harapin.
"Alam kong ako ang rason kaya ayaw mong lumabas ng kwarto. I should go kung iyon naman ang gusto mo."
Pinapahiwatig niyang sapat na ang sinabi niya para maintindihan ko kung bakit siya nandito sa harapan ko. Nainsulto ako dahil para na ring sinabi niyang kung hindi dahil sa akin ay dapat ay manatili siya.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
