Kabanata 20

8.1K 261 24
                                    

Fool

Nanatili pa rin ako sa aking kinatatayuan hanggang ngayon. Umalis na sila sa aking harapan ngunit nanatili pa rin ang iniwang hapdi ng kanilang palad sa aking pisngi at sa aking puso.

I want to think that I deserve their slaps. They can even beat me to death because I feel like dying any moment from now. I'm hurting so bad that I want to feel how to breath properly from all the pain I'm intoxicating since the day my Dad cheated on my mom.

Do I deserve this pain? Simula pa lang ay pinaglalaban ko lang naman ang maging masaya ngunit bakit kayhirap atang makamtan iyon?

Liningon ko ang nakasaradong pinto ng hotel room ni Tobias. Para akong kinukutya nito. Nais sabihing kahit anong gawin ko ay hindi ako ang taong may karapatan na buksan ito ng walang permiso. I will always be the intruder.

Marahas kong pinahid ang mainit na luha na tumulo. Isang kaduwagan ang pag-iyak ko ngayon. Hindi dapat ako magpadala sa aking emosyon, mas may mahalaga pang mga bagay na kailangang pagtuunan ng pansin.

The pain will torture you bit by bit. The happiness is so hard to receive that I will settle for survival. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang lumaban. Kahit iyon man lang ay makaya kong magampanan.

Unti-unti akong humakbang paalis. Hindi ininda ang hapdi sa pagitan ng aking dalawang hita.  Bago sumara ang lift ay sumilip ako sa siwang, umaasang may hahabol sa akin kahit na imposible na itong mangyari. Umaasa ako na kahit sa pagkakataong man lang na ito ay may magpahalaga ng bawat pagkabasag ko. Pero, gaya noon, gaya ng nakasanayan ko ay wala. Nanatiling walang tao ang hallway, nanatiling puro walang katuturang pag-asa lamang ang lahat...

"Yndra.."

Napatayo si Tita mula sa pag-upo sa couch ng sala nang dumating ako. Napatakip siya ng kanyang mukha nang pagmasdan ako. Nangingilid na ang kanyang mga luha ng tanggalin niya ito.

"Anong n-nangyari, hija?"

Siguro nga ay bukod kay Mama ay si Tita Ophelia lang ang nakakakilala sa akin ng lubusan. Na kahit sa isang sulyap niya lang sa aking mukha ay alam na alam niya na kaagad kung ano ang nararamdaman ko.

Hindi ako nakahuma nang niyakap niya ako bigla. Sobrang higpit na mas lalong sumasakal sa puso kong tumitibok na lang ata para sa sakit.

Umiling-iling ako kahit na panay na ang sikdo ng sakit sa aking dibdib. Ang aking mga luhang gustong tumulo ay pinipigilan ko sa pamamagitan ng pagpikit ng mariin. Ang mukha na lang ni Mama ang inisip ko. Na sa pagluwas namin ngayon papuntang Digos ay makita ko na rin siya muli sa wakas. Siya na lang ang natatanging lakas at pag-asa ko.

"Okay lang po ako, Tita. Magbibihis lang po muna ako." Pinilit kong ayusin ang bawat katagang inilalabas ng bibig ko.

"Okay." Niluwagan niya ang yakap sa akin. Hinarap niya ako sa kanyang mukhang tuluyan na palang lumuluha. Ngumiti siya ng malungkot at hinawakan ang aking mukha. Hinaplos-haplos ang aking pisngi.

"Bilisan mong magbihis, hija," Pumiyok ang boses niya. Muling umalpas mula sa kanyang mga mata ang panibagong batalyon ng luha. "Aalis na tayo maya-maya. Uuwi ka na.."

"Tita.." Mahinang usal ko sa pangalan niya. Nagtataka sa kung anong ikinikilos niya.

"Wear something nice, okay? You will get through everything." Pinisil niya lang ang aking mga kamay bago ako iginiya paakyat ng hagdan. Pinapahiran niya ang kanyang mga luha.

Lutang ako pagkapasok ng aking kwarto, ngunit pinili ko pa ring umaktong maayos ang lahat, lalo na at makikita ko ngayon si Mama. Kailangan ay maipaskil ko ang aking pinakamagandang ngiti kapag nakaharap ko na siya. Napagdedisyunan ko ring suotin ang isang dress na kaaya-ayang tingnan ng mga mata. Hindi na mapapansin ang nakatagong kalungkutan at sakit ng mismong nagsusuot nito.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon