Supergirl
Pinipigilan ko ang sarili ko sa paglingon sa front door. I don't want to be obvious that I'm expecting someone. My eyes are fix on the tv. Nakakatawa nga lang at wala akong maintindihan kung ano ba ang pinapanood ko. Hawak ng isang kamay ko ang lemonade na hindi ko man lang nabawasan.
Napatingin ako kay Claricia nang ilapag niya sa kaharap kong lamesa ang isang plato ng cookies. Naiwan kaming dalawa dito sa mansyon dahil nasa Maynila si Papa at may inaasikaso na naman sa negosyo. May gana pa siyang ngumiti at tumabi sa akin sa couch na kinauupuan ko.
"Hindi ka ba nagugutom hija?"
Ito ang palaging linya niya araw-araw kapag lumalapit sa akin. Kung gaano kabilis lumipas ang mga boring kung araw dito sa Pueblo ay siya namang kapupursige niya para mapalapit sakin. She even cook for me everyday at kahit kailan ay hindi ko rin naman tinikman.
"Obviously, I'm not hungry. At kung gutom man ako, hindi pa rin ako kakain ng luto mo."
I didn't bother to look for her reaction. Wala dapat akong maramdamang awa para sa kanya dahil hindi rin naman siya naawa sa amin noon ni Mama nang piliin niyang maging kabit ni Papa.
"Adam Clavesta, nagsalita na sa umano'y hiwalayan nila ng rumoured girlfriend na si Lhette Herberts. Isyu na third party ang dahilan, sinagot rin ng sikat na aktor.."
Nanliit yung mata ko sa katatapos lang na showbiz news. Hindi naman talaga ako interesado sa balitang iyon, kaya lang ay naagaw ang pansin ko sa pagtanggi ng aktor tungkol sa isyu ng third party. I bitterly laugh because of dismay! Ano yun? Namalikmata lang ako sa nakita ko noon sa Tipsy Villa? The third party could even be Tobias!
"Claricia..."
"Bakit, hija? May kailangan ka?"
Lihim akong ngumisi. Sinusuri ko ang mukha niyang nagagalak sa malumanay kong pagtawag sa pangalan niya.
"Alam mo ba kung bakit naghiwalay ang celebrity couple na iyan?"
Tinuro ko sa kanya ang tv kung saan pinapalabas ang mga dating sweet photos ng nabanggit na ex celebrity couple.
"Busy schedule? That's what the actor has been saying..."
Umiling ako.
"Wrong answer, Claricia..."
"Eh yun ang sabi ng report--- hija..."
Humina ang boses niya matapos niyang makita na ngayon ay matalim na ang titig ko sa kanya.
"Cheating, Claricia. Iyan ang dahilan kung bakit sila naghiwalay..."
Kita ko ang pag-awang ng mga labi niya at ang pagputla nito.
"Nangaliwa si Lhette Herberts. Pumatol siya sa ibang lalaki habang nasa Cebu siya. Poor woman, hindi alam ang salitang makuntento. Am I right, Claricia?"
Tumayo ako sa harapan ni Claricia at namaywang. May namumuong luha sa kanyang mga mata.
"You can drink my lemonade, Claricia. Mukhang mas kailangan mo kasi..."
Nanunuya akong tumawa. Iniwanan ko siya sa living room.
"Yndra..."
I nearly freeze to death when I hear his voice. This time, it's scary and cold.
"Tobias!"
Pinilit kong ngumiti habang lumalapit kay Tobias na nakatayo sa front door ng mansyon. Imbes na tumingin siya sa paglapit ko ay lumagpas pa ang tingin niya at naglanding sa humihikbing ina.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomansaPaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
