Matamis
Pinakatitigan ako ni Tobias nang lumabas ako ng banyo mula sa mahabang pagligo. Nanginginig ako sa lamig ngunit naiinitan ako sa apoy na nasa mga mata niya na naman ngayon.
Ang kaseryosohan at kadilimang nakikita kong nakapaloob sa mga ito ay nahaluan na ngayon ng pagmamahal at... kapilyuhan.
Tumikhim ako at hindi pinansin siya. Ipinakita kong hindi ako apektado sa titig niya sa halos hubad ko pa ring katawan.
"W-wala na akong damit.. na maisusuot.." Paos kong sabi. Pinilit kong gawing pormal ang aking pagsasabi nito kahit na kakaiba ang dating nito sa pandinig ko.
"I can see that, babe.. I'm sorry for ripping them apart last night." Ngumingising ani ni Tobias habang tamad na nakaupo sa kanyang kama. Half naked siya, magulo ang buhok, at ang itim na boxer shorts lamang ang kanyang suot. Ibinabalandra niya ang kanyang abs at nadedepinang mga biceps. Pinasadahan pa niya ng tingin ang maliit na tuwalyang tanging bumabalot sa katawan ko. Nagmumukha siyang gwapong bagong gising kahit na kanina pa naman siya gising.
Namula ang aking pisngi at ngumuso ako.
"Shut up, Tobias! Hindi ko pa tinatanggap ang sorry mo sa pangingialam ng cellphone ko!" Umasta akong galit sa kanyang harapan.
"Come on Yndra, wala namang security pin.. and I'm too happy to announce the good news. I'm too ecstatic with my proposal.." He purposely created a pause in his sentence so that he could show a meaningful grin to me. "...in the couch last night." Ngumingising dagdag niya layon ang pagtatanggol niya sa kanyang sarili, ngunit iba ang gustong ipaalala sa akin.
Mas lalong pumula ang aking mga pisngi. Minabuti kong umirap ngunit sa huli ay sumilay na rin ang maliit na ngiti sa gilid ng aking labi.
Hindi naman talaga ako galit sa paggamit niya sa cellphone ko para itext ang mahahalagang tao sa buhay ko tungkol sa aming planong pagpapakasal pagkauwi ng Pueblo. Hindi lang ako sanay na pinag-uusapan ang ganitong mga bagay ngayon.
"Paano na ngayon? W-wala akong pwedeng isuot, paparating pa naman si Mama dito..paano ako haharap sa kanya.." Nababahalang sabi ko makaraan ang ilang sandali.
It's past 11 in the morning already. Nang sinabi niyang madedelay nga kami ay agad niyang pinacancel ang aming flight kanina at pinarebook para sa paghapong schedule ng pag-uwi namin sa Pueblo. Naitext na rin namin si Theodence na sa dinner na lang gaganapin ang pamamanhikan niya. Pinasundo na rin namin si Mama mula sa airport papunta dito sa penthouse niya.
"You can use my shirt. Padating na ang pinabili kong mga damit mo." Suhestiyon niya.
Gusto kong kutusan ang aking sarili nang maalala ko pa ang tunog ng pagkapunit ng aking mga damit nang dahil sa nangyari kagabi. He was rough and gentle at the same time, pwede pala yun?
Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinasabi niya. Nanginginig kong isinuot ang malaki niyang tshirt pati na rin ang boxer shorts niya. Hindi ko gusto ang humarap kay Mama na suot-suot ang mga damit ni Tobias ngunit wala na rin akong magagawa pa. Dasal ko na lang ay sana mas mauna ang pagdating ng mga damit ko kaysa ni Mama dito.
"Hindi ka pa maliligo? G-ganyan ka haharap kay Mama?" Sita ko sa kanya nang maayos na akong nakapagbihis. Naaasiwa pa rin ako sa titig niya lalo na at bumabakat pa rin ang tuktok ng aking dibdib sa kanyang tshirt. Humalukipkip ako para matakpan ito.
"I want to cuddle some more, babe.." Nakangisi niyang sabi.
Napailing na ako sa kanya. Ang kaninang late breakfast ay hindi namin natapos ng maayos dahil halos lampungan lang namin ang naganap kaya hindi ko alam kung bakit hindi pa naging sapat iyon para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomansPaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
