Kabanata 4

13.5K 389 65
                                        

Unknown

Naiinis na tinanggal ko ang earphones sa aking tainga. Hindi nakakatulong ang nakahiligan kong love songs sa sitwasyon ko ngayon.

Sa halip nga na marelax sa tanawin sa paligid ay mas natense pa ako sa presensiya ni Tobias sa aking likuran. Mas binilisan ko tuloy ang pace ng aking pagtakbo. Hindi na jogging ang ginagawa ko kaya ay hinihingal na napahinto ako.

Ba't ba biglang-bigla lang itong sumusulpot sa likuran ko?

Pang-limang araw ko na ngayon sa Pueblo at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para makapasyal sa lugar na kaytagal ko ring hindi nakita. Ginawang opportunity ko na din ang pagjogging habang gumagala sa lupain ng mga Montravo at Villacias dito sa Pueblo. It's just past six in the morning and I felt the need to go out from the mansion.

Nung ikalawang araw ko pa lang dito ay umalis si Papa at si Claricia papuntang Cagayan para doon sa sinasabi nilang business convention. Ni hindi na rin sila nagpaalam sa akin. Not that I'm expecting them to. Naiinis lang ako sa hindi ko alam na dahilan. Galit na galit ako sa kanila pero kailangan kong pilitin ang sarili kong pakisamahan sila. Kung pakikisama man ang tawag sa pinapakita kong ugali sa harap nila.

Inubos ko naman ang dalawa pang araw sa pag-aasikaso sa mga papers ko para sa pagtransfer ko dito sa Pueblo. Panay pa ang kumbinsi ng mga kaibigan ko na umuwi na lang ng Cebu at tapusin doon ang huling year ko sa Senior High, pero disidido na talaga ako.

If studying here will make a big help towards my plans in going back here, then so be it! Hindi na baleng magtiis ako sa pagkamiss sa mga importanteng tao ng buhay ko na nasa Cebu, basta ba successful ang pagbabalik ko dito.

"Hey."

Liningon ko ang tumabi ng tayo sa akin na si Tobias. Parang hindi man lang siya kakikitaan ng signs ng pagkahingal. Kung sabagay, sa tikas ng katawan niya ay kung gustuhin niya ay kayang-kaya niyang tumakbo ng ilang milyang layo. Para ngang walang kahirap-hirap iyon para sa kanya. Damn him for having such firm muscles and biceps, and damn me for praising him!

Kinunot ko ang noo ko bago siya tuluyang sinulyapan. Wala sa akin ang line of vision niya dahil masyado siyang engrossed sa tanawin na nasa aming harapan.

Napaawang ang mga labi ko nang ako naman ang napabaling sa tanawing bumungad sa aking harapan.

Nahighlight masyado ang crater ng Mt. Apo dahil sa sinag ng araw na tumatama sa tuktok ng bulkan. Nagsilbi naman ang bulkan bilang background sa malaki at malawak na patag na sakahan at tubuhan. Kaya naman pala ang hirap ibaling ang mga mata mo sa ibang direksyon kasi parang nadikit na yung paningin mo sa ganda ng tanawin. Nakakamangha...

Hindi ko na napigilan ang sarili kong kamay na kunin ang camerang kanina pa hawak ni Tobias. Nagpumilit kasi siya kaninang siya na ang magdadala nito. Hindi na rin ako nakaangal dahil bukod sa hawak na niya ay masyadong nabigla pa ako sa bigla-bigla niyang pagsulpot sa likuran ko.

Natulala pa ako sandali nang makita kong titig na titig siya sa akin. Bahagyang uminit ang mga pisngi ko. Para maitago ito ay marahas akong nag-iwas ng tingin.

Ilang kuha rin ang ginawa ko. Nangangamba pa ako na baka ay blurry ang mga iyon sapagkat nanginginig ang kamay ko sa kaba. Nakakainis na pinapakaba ako ng ganito ni Tobias.

Why can't he get lost? Eh hindi ko rin naman siya mahagilap nitong mga nakaraang araw. Ngayon pa niya napiling sumulpot. Ngayon niya pang napiling manggulo sa organisado kung pag-iisip!

"Can you leave me now?"

Kinailangan ko pa ng ilang buntong hininga para magkaroon ng lakas upang sabihin iyon sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ko kailan man masabi ang mga tamang salitang dapat kong sabihin sa kanya.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon