Explain
Mas lalong umugong ang malakas na bulungan. May nakakilala kay Tobias dahil narinig kong binanggit nila ang pangalan nito kaakibat ng iba't- ibang pangalan ng mga gusali na umano'y ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang sa gitna ng usapan ay sinipa ni Jace ang bouquet na dapat ay naibigay niya sa akin ngayon.
Huminga nga ako ng malalim bago sumunod sa pagpasok sa kotse ni Tobias. Agad kong inilagay sa aking dalawang tuhod ang aking bag na nakapwesto sa front seat nang maayos na akong nakaupo. Nakita kong sumulyap siya sa seatbelt kaya agad ko ring hinablot ito at inilagay para sa sarili ko.
Agad na ang pagharurot ng kotse paalis ng vicinity ng school.
Sunod-sunod ang pagpasok ng mga mensahe sa aking cellphone galing sa iilang mga kaibigang hindi naman masyadong malapit sa akin. Hindi ko na ito pinansin at binasa na lang ang dalawang mga mensaheng galing sa mga taong importante sa akin.
Serenity:
You're viral girl! Damn, galit na galit si Jace sa pagtanggi mo!
Joanna:
I wanna go there, Yndra! I wanna see what happened all for myself. Hahaha. Famous ka na ngayon!
Napapikit ako sa mga iyon. Inopen ko ang YouTube app ko at nakitang may videong nakatag pa nga sa akin doon. Sa pinakadulo ay nahagip pa ang pagsundo sa akin ni Tobias at ang mismong pagsakay ko nitong kotse.
Niscroll ko ang comment section at mas lalo akong napamura. Pinag-uusapan doon si Tobias at ako imbes na ang failed proposal na siyang ginawang title ng video.
Namutla pa ako nang halos sabay na dumating ang dalawang mensahe galing sa kapatid ko at kay Dad.
Dad:
Ang aga mong umalis ng Pueblo. Sinundo ka ba ni Tobias?
Theodence:
Umuwi ka na agad dito sa Pueblo, Yndra! I'll find a way to delete the effing video!
Napahawak ako sa aking noo at hinilot ito. Nakakabwesit ang lahat ng nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ay magdudulot na naman ang pangyayaring ito sa isang panibagong gulo.
Sabay pa kaming napatingin ni Tobias nang umilaw ang kanyang cellphone na kalagay sa dashboard. He motioned me to get it for him and I did. Nasa highway na kami pauwi sa condo ko. Walang traffic kaya malakas ang pagtakbo ng kotse. Galit ang bawat pagkabig niya ng manibela.
Muntik ko nang mabitawan ang kanyang cellphone nang makita ko ang pangalang paulit-ulit na nagbiblink sa screen nito. Agad ang pagsipa ng kaba sa aking dibdib. Naaalala ang posibleng luhaan niyang mata ngayon.
"Tumatawag si J-Jeazza.." Lumunok ako matapos mabanggit ang pangalan ng babaeng ngayon ay asawa na niya.
Mabigat siyang bumuntong-hininga. Tila nahihirapan sa dapat niyang gawin sa pagkakataon ngayon.
"Cancel it." He drawled like he doesn't care. Pagod ang kanyang mata at naapektuhan na rin ang kanyang pagmamaneho. Sa isang iglap ay bigla ang pagbagal ng pagtakbo ng kotse.
"You answer it, Tobias. Ibaba mo na lang ako diyan sa waiting shed kung hindi ka kumportable na nandidito ako habang nag-uusap kayo." Matigas kung sabi habang tinuturo ang waiting shed na ngayon ay nilampasan lang niya ng basta-basta.
"Damn it!" He cussed. Annoyed of what I just said.
"Don't cuss on me!" Inis kong bulyaw. "Kung sana kasi ay hindi mo ako sinundo! It's damn fucked up now, Tobias!"
Halos maiyak na ako sa sobrang frustration. Ayaw ko na muling matali sa isang sitwasyon kung saan palagi kung nararamdaman na sinisira ko ito.
"Just please... ibaba mo na ako.." Makaraan ay nanghihinang pahayag ko. Tumatabang ang pakiramdam habang itinatabi na niya sa gilid ng daan ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
