Cousin
Pareho kaming tahimik ni Theodence. Nagpapakiramdaman lamang kami kung sino ang mauunang magsalita sa aming dalawa. Madilim na madilim ang kanyang anyo at parang kaunting sagi lang sa kanya ay puputok mula sa kanya ang sobra-sobrang galit.
Naagaw ang aking atensyon sa pagvibrate ng aking cellphone sa aking bulsa. Tumikhim ako bago ito kuhanin. Binasa agad ang laman kahit na hindi pamilyar ang nakalagay doong numero.
Message:
Are you okay? I can't hear noise from there. Hindi ko maiwanan ang niluluto ko.Ngumuso ako nang napagtanto kung sino ang may-ari ng numero. Hindi tinitingnan si Theodence sa aking harapan ay nagtipa ako ng reply para sa kanya.
Ako:
I'm okay, Tobias. Hindi naman siguro masyadong galit si Theo.Hindi pa ako tapos sa aking sasabihin ay gumimbal na sa aking pandinig ang nakakatakot na boses ni Theo. Tunog pinaghalong galit, pagkadismaya, at nag-aakusa.
"Stop texting that asshole!" Akmang kukunin niya ang aking cellphone nang mabilis ko itong iniwas sa kamay niya.
"Privacy, Theodence." Nakakunot noo kong saway sa kanya.
"Then, tama na ang kakatext niyo diyan! Sabihin mo diyan sa lintek na si Tobias na huwag siyang duwag at harapin niya ako dito!" Pasigaw niyang angil.
Napapikit ako. Like what I always say, I clearly understand where the protectiveness is coming from. Hindi pa nga naghihilom ang mga sugat ng aking nakaraan ay babalik na naman ako sa taong isa sa dahilan kung bakit ako nasugatan. Wala pang kasiguraduhan ang lahat kaya alam kong ako mismo ang naglalagay sa sarili ko sa alanganin.
"Theo, please," Pakiusap kong tumigil muna siya at hayaan akong magsalita. "Let me talk first.."
"No, Yndra! Alam kong natural na sayo ang hindi sumunod sa mga sinasabi ko, pero sana maunawaan mong bitag itong muling pinasukan mo!" Tumayo siya at nag-umpisang magpalakad-lakad sa aking harapan. "Fuck! Sana ay inalam mo talaga ang limitasyon mo! Alam mong may asawa at anak iyong tao!"
Pagod akong tumingala kay Theodence. I'm not tired with his protectiveness, I'm tired with him trying to control my life.
"Wala siyang asawa at anak, Theo!" May paninindigan kong saad. Siguradong-sigurado.
"At naniwala ka naman, Yndra?" Galit at nanunuya niyang tanong pabalik sa akin.
Napaawang ang aking bibig. The assurance of Tobias' confession is gently fading like thin air. Sa isang iglap ay may pangamba na akong naramdaman.
"What are you thinking, my dear sister? Sa nakalipas na tatlong taon ay ikaw lang?" Theo darkly smile at my direction. " Men have needs, Yndra. Laging napupunan iyon ng babae lamang. Sa tingin mo, hindi siya natukso ni Jeazza? Sa tingin mo, hindi sa kanya si Jheah?"
Hindi ko na alam kung papaano sumagot sa mga tanong na binabato niya sa akin. Tinutulak ako nito sa bangin, naglalayon na mahulog muli doon at sumulasok sa putikan.
"H-he confessed.. sinabi na niya sa akin ang l-lahat." Walang buhay kong kontra. Kahit ako na nagsasabi nito ay walang lakas ng loob na patunayang totoo nga ito.
"Ilang tao na ba ang nagconfessed, Yndra? Hindi naman guaranteed na totoo ang mga sinasabi nila!" Bwelta na naman ng kapatid ko.
Wala na akong masasabi pang iba. Ito ang naging epekto ng lahat ng panlolokong nangyari sa buhay ko, binigyan ako nito ng pagkakataong mangamba at hindi agad magtiwala. Kung magtiwala man ay kasing bilis ng kisapmata itong natitibag. Hindi ko alam kung masama ba iyon o nakabubuti para sa akin, basta ang alam ko lang ay pinipigilan ako nitong maging totoong masaya.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...