Part 14.3

421 6 2
                                    

“HOY MICO!!”. Parehas silang nagulat na bigla akong sumulpot sa eksena..ganda ng pasok ko talaga.. dapat lang.. dahil MAGANDA ako.

“L-Leslie..bakit ka nandito?” Nagtataka si Liit.. ako din nagtataka kung bakit kayo nandito?

“Good timing Leslie..kelangan talaga kita sa paguusapan namin ngayon”. Tumingin ako kay Mico at inabot nya sakin yung tatlong roses at hinawakan ko.. teka anung nangyayari bakit nya ako binigyan neto?

“Incy.. I’m really sorry I need to use you.. wala na kasi akong maisip na ibang paraan eh.. ikaw lang yung babeng nakakahangout with Leslie..”. Inakbayan ako ni Mico.. ANGER RADAR ON!!.. Sinikmuraan ko ang gago natanggal yung kamay nya..kapal ng mukhang akbayan ako!! Kahet wala akong maintindihan, para bang may nagsasabi na saktan ko, bugbugin ko, PATAYIN KO ang taong to...!! Alam nyo yun?

“T-teka anong nangyayari..? M-mico anung pinagsasabi mo..? niloloko mo nanaman ako eh..palabiro ka talaga ha..ha.ha..” Tumatawa si Incy.. pero yung mata nya hindi, halatang pinepeke lang ya yung tawa nya.. Nagulat ako nung unting unti pumapatak ang mga luha nya..

“No, Incy I’m serious, binigyan kita ng mga hints pero ..hindi mo kasi ako pinapakinggan ng maayos..maganda ka at nakakatawa..pero si Les-“

Parang alam ko na ang nangyayari.. Tangin@ mo Mico!!!

“Wag mong ituloy yan..kundi itatapon talaga kita sa baba” Tinitigan at binalaaan ko si Mico na itigil ang mga pinagsasabi nya kay Liit. Tanga ba sya?? Kitang umiiyak na itutuloy pa nya yan!?

Tinalikudan ko sya at humarap kay Liit..

“Incy..don’t worry marami pa naman dyan eh..wag nalang si Mico okie”. Nilapitan ko si Liit na nakatungo..tinatago na nya yung muka nyang lumuluha.. eerrrmmm pati na rin yung uhog nya... (>___>) eww...

“B-bakit.. bakit hindi ako..? Anung bang a-ayaw mo saken? ginawa ko naman ang lahat ah!!”. Tinakluban ni Liit ang muka nya ng dalawang kamay nya.. pinipilit kong inalis..ngayon ko lang nakitang ganitong kadefenseless ang isang Incy Lee Ith...

“Sus, ano bang meron yang Mico na yan..? dahil gwapo sya..? Duh! yun lang naman yun eh.. Aanhin mo yun kung bobo naman..?” Hindi ako magaling magcomfort na taong umiiyak kaya sinabi ko na lang ang mga gusto kong sabihin para matauhan sya.. Na that Mico is not worth her Love.. “At chaka ang daming guy dyan sa tabi tabi...just open your eyes...” Pansin nyo ba na wala akong pakelam kahet alam kong nasa likod ko lang yung nilalait ko? DUH! Dapat lang sa kanya yun,noh! Tingnan nyo nga ang ginawa nya kay Liit!!?? “This Mico right here is not WORTH IT” Diniinan ko talaga para marinig ng nasa katabi ko..

Ang hindi ko lang alam hindi lang pala si Mico ang nasaktan ko...

 

Pati sya...

 

“OO DAHIL GWAPO SYA..!! (nagulat ako nung bigla sya nagsali—sumigaw pla) MABAIT SYA! GWAPO SYA! AT MAPAGMAHAL..!! HINDI PA BA SAPAT YUN PARA MAHALIN ANG ISANG TAO..!?? EH GUSTO KO SA GWAPO EH PAKE MO BA!? ALAM KO NAMANG GWAPO DIN ANG HANAP MO!?” Nag burst out na si Incy.. alam ko namang hindi nya yun sinasadyang sabihin, kasi kilala ko sya. It just that when a person is under the spell of pain and anger... mouth works before mouth.

Diary ni LiitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon