1: Start

992 6 0
                                    

Unang araw ngayon ng school year namin. Nakakaexcite na pumasok kasi pwedeng madagdagan ang member ng barkada namin. Pero okay lang naman kahit hindi na masaya naman kami eh.

My name is Kayla Santiago. I'm 18 years old and nag aaral ako sa Santiago University. Yes you read it right, Santiago ang University so technically kami ang may ari. Duh!

Isa pang fact, mataray ako pero mabait ako. At hindi din ako matapobre kahit na ubod kami ng yaman. Alam ko kung paano magtipid. May mga bagay kasi na mas masarap makuha kapag pinaghihirapan. Naturuan din ako ng mga magulang ko ng gumalang kaya naman may manners ako di tulad ng ibang mayayaman na akala mo kung sino.

 At ngayon ay nag aantay ako sa tambayan namin dito as school. At oo nga pala hindi porket kami ang may ari ng school namin eh may special treatment ako. Well gusto nila Mommy na magkaroon ako ng body guards just in case of an emergency daw pero ako? Ayoko. At dahil nga sa makulit ako hindi na nila ako binigyan ng body guards. Sabi ko naman na okay na rin yung driver na lang eh. Kasi naman kapag may body guards baka hindi ko na magawang makipag bonding sa mga barkada ko.

After 12345678910 years dumating na din sila. Mamaya nyo na sila makikila may "introduce your names" naman sa classroom kaya mamaya na. Wag kayong atat -_______-

At ayun syempre yakapan at kamustahan. Sa barkada namin hindi nawawala ang tawanan at asaran. Syempre naman noh. Ang boring naman pag walang ganon. Pero ako? Hindi matatapos ang araw na hindi ako nag mamaldita. At minsan hindi ako masyadong nagsasalita, bakit? Kasi wala ako sa mood or di ko talaga trip na magsalita.

After 30 minutes

Tapos na ang flag ceremony at ngayon ay nagsasalita na ang Principal namin in behalf of my Mom na President ng school kasi nagka problem ang business namin sa London, kaya kinailangan nilang pumunta dun. Ayun nagsasalita lang sya dun, typical na mga sinasabi lang kapag babalik na sa school. At syempre dahil medyo umiinit na sa grounds kaya tinapos na nya agad ang speech nya at nagpalakpakan na kami. Nagsimula na kaming maglakad papuntang room.

Small bag lang naman dahil nga first day pa lang. Wala pang gagawin at half day lang kasi kikilalanin mo pa muna yung mga teachers and adviser nyo. Ang swerte lang namin kasi babae ang adviser namin kaya okay na. Hindi madumi sa loob ng classroom. Though may mga janitors naman na maglilinis syempre kapag mag dedesign ng classroom para expert. ^___^v


So ayun nga unang araw pa lang ay nasa harap na ako. Oo may pag ka maliit ako pero ayoko talaga sa harap promise. At ayun bilang nasa harap ako ay pinagbasa ako. Sa unang araw kasi ay ioorient muna kami ng adviser namin tungkol sa lahat. Kaya ayun di ko alam kung bakit nya ako napiling magbasa pero kahit ganon bilang isang mabait na student ay nagbasa ako HAHAHAHA.


May bago kaming classmate, tatlo sila isang girl at malamang dalawang boy. Yung isang boy matangkad na medyo maitim pero gwapo at mukang mabait, pero mukang siga at bad boy. Yung isang boy naman medyo mataba sya at halata mo na mahilig makipag away, ang yabang nya tignan. Yung girl naman maliit sya na may mahabang buhok at mukang mabait at mahiyain pa. Malamang dahil bago sila HAAHHA.


So ayun unang araw pa lang inadd ko na agad sa facebook yung mga bago. Nakita ko na ang pangalan pala nung lalaking matangkad ay Jerome Buenavides. Well not bad halata mo namang mayaman talaga at hindi scholar. Sa tingin ko matalino naman sya at mabait pero may bad side. So ayun nakita ko na may isa na agad na nagfollow sa kanya na kakilala ko at classmate ko pa. Iba talaga tong babaeng toh eh may pagkamalandi. At walang iba kundi si Angel, Angel Martinez. Magandan naman sya eh pero may kakaibang ugali din, matalino rin ang isang toh at yun nga lang insensitive sya. Meron pang isa, ang dakilang gusto lahat ay sya ang bestfriend. Si Ella Chavez, matalino naman sya kaya lang may pagka immature hindi nya iniisip ang nakapaligid sa kanya. Sa mga baguhan kinakaibigan nya na agad, isa sya sa mga taong mahirap tanggihan. Bakit? Kasi marami syang masasabi sayo.


Sa unang pag uusap namin ni Jerome feel ko pa rin ang awkwardness malamang lang naman diba kasi hindi naman kami magkakilala at transferee lang sya sa school namin. May mga topic kami na saglit ang ang itinatagal pero ako pa rin yung nag rireach out sa kanya.


Parang naging every day routine na rin namin ang magusap, hanggang sa ayun nag kukwento na sya about sa life nya. Sa mga naging kaibigan nya at sa naging ex nya. Naguumpisa na din akong magkaroon ng paghanga sa kanya. Sabi ko sa sarili ko hanggang crush lang muna at ayokong lumalim ito hangga't hindi ako sigurado. Lalo na't may nababalitaan ako na nag kakaroon daw sya ng gusto sa isang tao.


Isang araw nung nasa school kami at nasa computer lab dahil malamang ay computer ang subject, nagkwento si Vida saakin bestfriend ko eh that time nag karoon ng problem si Jerome about something tapos balak nyang mag deactivate ng facebook account. Alam ni Vida na nag chachat kami ni Jerome nasabi nya saakin na hindi daw nakapag deactivate ng account si Jerome dahil may kausap na ito. Kaya tinanong ako ni Vida kung nakausap ko ba daw si Jerome nung araw na yun at malamang oo ang sagot ko. Araw araw naman kaming magkausap nung mokong na yon. Sinabi nya rin saakin na baka ako daw yung sinabi nya na kausap nya kaya namna hindi na naituloy ni Jerome ang pag deactivate ng account nya. 


Hindi naman ako naniwala sa kanya dahil imposible naman iyon. May nakarinig pa nga ng usapan namin eh si Ella pilit nyang tinatanong kung sino ang pinaguusapan namin, at syempre hindi ko sinabi dahil sasabihin nya lang yun sa mga kaibigan nya. Mahilig pa naman silang gumawa ng issue kahit na sa maliit na bagay lang.


Pagkatapos na mahabang araw na iyon ay umuwi na ako at naabutang wala ang parents ko dahil may inasikaso daw sila sa ibang bansa sabi ng maids namin kaya naman umakyat na lang ako sa kwarto ko at nag cellphone na lang inantay ko na tawagin ako para kumain.


Matapos kong kumain ay ginawa ko na ang evening rituals ko at natulog na dahil ewan ko ba pagod na pagod ako ngayong araw na toh. At bukas ay panibagong araw nanaman.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Hi guys! Sana magustuhan nyo po ang bago kong story.


Stay tuned lang po mga munchkins!!


Yan na lang po ang itatawag ko sa mga reader ko, why? wala lang ang cute lang parang kayo!! yiiieeee HAHAHA


So ayun nga po thank you sa mga nagbabasa ng story ko love ko kayong lahat!!! :*


Next Chapter po ay ipapakilala ko ang ibang characters na magpapatakbo sa story na ito.

Love you all munchkins!!


May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon