Kayla's
After nung naganap na announcement sa Gym nag punta na kami sa klase namin. Hindi pa namin napag uusapan ni Jerome yung pagiging VP nya ng SC, sana naman hindi sya magalit saakin or sana hindi nya ayawan yun kasi gusto ko talaga sya masama sa SC eh hehe wala lang HAHAHA.
Magkatabi naman kami ngayon pero ayokong pag usapan kasi kailang naming mag aral hehe atsaka mahirap na kapag nahuli pa kaming nag uusap. Hindi naman porket ako na ang Pres at sya na ang VP ng SC eh magagawa nanamin kahit na anong gusto namin, mamaya maisampal pa saamin yon HAHAHA.
Ilang sandali pa ng pag didiscuss natapos na din ang dalawang subject namin. Diba dapat 3 yung subject naman every morning before recess eh kaso nga lang nakuha yung time ng first subject dahil dun sa announcement.
"Tara na sa cafeteria!" masayang sabi naman ni Vida saamin HAHAH syempre magkakalapit lang naman kaming apat.
"Bakit ang saya saya mo naman gurl?" takang tanong ko naman sa kanya ng may mapanuksong tingin pero nginitian lang ako abah! I smell something fishy! HHAHAHA.
"Wala naman hehe" masayang sabi nya, may something talaga eh blooming silang dalawa ni Julius HAHAHA.
Kaya ayun dahil wala naman na kaming nagawa sumunod na lang din naman kami. Hinawakan ni Jerome yung kamay ko and nginitian ako saka kami naglakad na papuntang caf, nauna na saamin sila Julius at Vida baka gutom na HAHAHA. So I just texted her na lang.
"Love? What do you want? Paorder na lang tayo kila Vida since nauna naman na sila HAHAHA excited." tanong ko sa kanya, natawa na lang din sya sa sinabi ko HAHAHA.
"Same as yours na lang din love, Iced tea and chocolate cake." nakangiting sagot nya saakin, tumango naman ako at ngumiti sa kanya. He reached for my bag and sya na yung nag bit bit, binawi ko na lang muna yung kamay ko na hawak nya kasi nga need kong mag text.
To Vida:
| Bess! Pakisabay naman kami ng food ni Jerome. 2 Iced tea and 2 chocolate cake. Nauna na kasi kayo eh hehe. Thank you! I love you! mwa! HAHAHA. |
Sent.
Pagkasend ko non ako naman ang nag reach sa kamay nya at nakipag holding hands sa kanya. Pinisil naman nya ang kamay ko kaya napatingin na lang ako sa kanya, nginitian nya ako and syempre nginitian ko din sya mabalik hehe.
"Love? about dun sa pagiging VP ko sa SC bakit hindi mo sinabi saakin?" takang tanong nya saakin kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Uhh ayaw mo ba? I mean sorry ha kasi hindi kita kinonsult. Gusto ko lang din naman kasi na makasama ka dun sa SC eh sorry if ayaw mo I'll just talk to Tito and then sasabihin ko na lang sa kanya na mag elect ng bago." medyo malungkot kong sabi kasi akala ko magugustuhan nya.
"No love it's not that, actually I love the idea. It's just that I'm surprised hindi naman ako nainform but I'm happy na ako ang VP mo, at least mababantayan kita and I can be your stress reliever kasi diba nakakastress daw maging Pres ng SC HAHAHA. Thanks love!" masayang sabi nya saakin kaya naman napatingin agad ako sa kanya at napangiti ako.