Jerome's
Dinala na namin si Kayla sa pinakamalapit na hospital, lahat kami dito ay hindi mapakali dahil hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya, we didn't see the sign coming. Tinakbo sya sa ER para masuri kung anong nangyari sa kanya. Wala naman daw sakit si Kayla ani ni Vida, at bilang best friend ni Kayla si Vida naniniwala kami sa kanya dahil mas matagal nya itong nakasama kaysa saamin ni Ethan.
"Vida natawagan mo na ba sila Tita?" tanong ko kay Vida habang hindi pa din ako mapakali pati na rin sya.
"Oo natawagan ko na at alalang alala sila." nag aalalang sabi din ni Vida saakin na parang konti na lang ay iiyak na sya dahil sa nangyari kay Kayla. Si Ethan naman ay nakaupo lang sa tabi ni Vida at hindi rin kumikibo, malamang ay nag aalala din sya kay Kayla dahil mukang matagal na silang mag kakilalang dalawa.
Ilang minuto pa ay lumabas na ang doctor sa loob ng ER, tumayo naman agad sina Vida at Ethan upang harapin ang doctor.
"Kayo ba ang mga kamag anak ng pasyente?" tanong naman saamin ng doctor na agad naman naming sinagot.
"Kaibigan po kaming dalawa." turo ni Vida sa sarili nya at kay Ethan. "At sya po ang boy friend. Dadating na po ang parents nya maya maya doc." diretsong sabi ni Vida sa doctor.
"Okay so sainyo ko na lang din sasabihin at kayo na lang ang magpaliwanag sa mga magulang ng pasyente." sabi nya doctor kaya naman tumango kaming lahat.
"Sa case ng patient ay wala naman syang malalang condition." sabi ng doctor kaya naman ay para kaming nabunutan ng tinik sa dib dib kaya't napangiti naman kami. "Pero in fact na she had a pre-severe headache, nakuha nya toh dahil wala syang enough sleep, hindi kumakain ng maayos at palaging stress. Sana ay maiwasan nya ang mga ito dahil kung hindi ay maaaring mag tuloy tuloy ang case nya at umabot sa pag kakaroon nya ng mild brain tumor or even cancer." pagpapatuloy pa ng doctor kaya naman medyo kinabahan ako.
"These past few days din po kasi naging stress na sya dahil may mga nangyaring hindi maganda." pagsasabi ni Vida at tumingin pa saakin ng bahagya, nakaramdam naman ako ng kaunting hiya dahil alam ko na kung ano ang tinutukoy nya.
"Yun na nga, sana ay maiwasan na ang mga iyon. Magmula ngayon ay hindi sya pwedeng masobrahan sa stress at kailangan nyang matulog at kumain ng maayos. Sabihin at ipaalala nyo sa kanya iyan at gabayan nyo din sya." pagpapaliwanag pa ng doctor saamin.
"Makakaasa po kayo doc, gagawin namin ang lahat para hindi lumala ang condisyon nya." nakangiting saad ko naman sa doctor na nagpangiti din sa kanya ng bahagya.
"Aasahan ko yan iho, oh sya mauuna na ako at kailangan ko pang mag rounds. Ipapalipat ko ang pasyente sa room para naman maging komportable kayo, kailangan nyang magpahinga at bukas na bukas din ay maaari na syang lumabas ng hospital." huling saad pa ng doctor saamin at nakita naman namin na nilalabas na ng ER si Kayla kaya't nagpaalam na kami kay Doc at sumunod na kay Kayla.
Na-admit si Kayla sa room 216 sa 2nd floor, ilang minuto matapos naming ilipat si Kayla dito sa private room ay dumating naman sila Tito at Tita. Bago pa man dumating sila Tita ay nagpaalam na sila Vida at babalik na lang daw dahil kailangan pa nilang magpaalam sa mga magulang nila. Nakapag paalam naman na ako sa parents ko kanina pa kaya ayos lang na mag bantay ako dito mag damag.
