Jerome's
Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko nung umalis na si Kayla. Naghalo halo ang mga emosyong dala dala ko. Galit. Inis. Panghihinayang. Nasasaktan ako dahil kitang kita ko sa kilos at mga mata ni Kayla na nasasaktan sya sa nakita nya man o narinig nya. Pero at the same time sobrang bilib pa din ako sa kanya kasi hindi nya pinagpatuloy ang pag suspend kay Ella kahit na sobra sobra yung galit na naramdaman nya kanina.
Mahigit sa dalawang oras na ang nakakalipas at hindi pa din tumatawag o nagtetext si Kayla. Pinuntahan ko sya sa bahay nila kanina at wala pa daw sya, hindi pa daw sya umuuwi mag mula kanina. Nag aalala ako dahil kahit na isa sa mga maids nila ay hindi alam kung nasaan sya kaya naman tinawagan ko na si Vida.
"Hello...Vida?"
'Oh napatawag ka Jerome?'
"May alam ka bang lugar na pwedeng puntahan ni Kayla?"
'Ha? bakit anong nangyari?'
"Hindi ko kasi alam kung nasaan sya ngayon...hindi pa din daw sya umuuwi magmula kanina pa. Nag aalala na ako."
'Bukod sa bahay nila at sa coffee shop sa tapat ng school ay wala na akong iba pang alam.'
"Ganon ba? Sige salamat ha."
'Sige. Balitaan mo ako kapag nakita mo na sya Jerome.'
"Oo sige maaasahan mo ako. Salamat."
Pagkasabi ko niyon ay agad kong ibinaba at nagtungo ako sa coffee shop sa tapat ng school namin at nanlumo ako na wala sya don nang pumasok ako. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, wala akong ideya kung nasaan sya ngayon. Sana lang ay tumawag manlang sya or magtext saakin. Oh kahit hindi na saakin kay Vida na lang. Sana makauwi na sya ng maayos.
Vida's
Hindi ko inaasahan ang pagtawag saakin ni Jerome pero mas hindi ko inaasahan ang ibinalita nya saakin. Saan naman kaya magpupunta ang babaeng yon. Wala na akong alam na ibang lugar na pwede nyang puntahan. Kinakabahan ako and the same time ay nag aalala ako ng sobra. Mabuti na lang at nasa bahay na ako kaya naman pag kababa ng tawag ni Jerome ay inumpisahan ko na din tawagan sila Maris, Erin at Kelly, nanlumo naman ako nung sinabi nila na hindi naman nito nagawang magtext or tumawag manlang sa kanila.
Pero kanina daw ay nakausap nya pa si Maris, pero umaga pa lang yun at hindi pa nangyayari ang issue nila Ella kanina.
*riiinngg riiinggg*
Dali dali ko namang inabot ang phone ko, muntik ko pang mahulog sa side table ko. Hindi ko na tinignan pa kung sino ang tumawag.
"Hello!"
'Oh bakit mukang tarantang taranta ka?'
"My God Kayla! Nasaan ka ba?!"
'Ha? bakit anong meron?'
"Kanina ka pa namin tinatary ireach out pero cannot be reach ka."
'Eh? bakit naman?'
"Nag aalala kami ano ka ba gurl! Lalong lalo na ang boy friend mo. Pinuntahan ka daw nya sa bahay nyo pero hindi ka pa daw nakakauwi magmula kanina. Pati sa coffee shop ay wala ka din. Asan ka na ba?!"
