15: Start

111 0 0
                                    

Jerome's

Maaga akong nagising kasi sanay na talaga akong gumising ng maaga, nasanay na din kasi kapag papasok ako. 


Kaya naman pagkagising ko, naligo na ako at nagbihis na white V-neck shirt na lang at black pants and Vans shoes. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko ay bumaba na ako alam ko naman na kung saan ang dining area nila Kayla eh kaso nakakahiya lang kung ako pa lang yung nandun.


Pero nung nakababa na ako nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko si Kayla na tumutulong maghanda ng pagkain sa table. Naka ripped jeans sya at naka fitted na crop top nagcurl ng hair at as usual lip tint lang ang nasa cheeks at labi nya. Kitang kita ang curves at abs nya sa suot nya pero may nakita naman akong denim jacket sa upuan nya kaya nakahinga naman ako ng maayos atleast may pantakip at oo nga pala naka heels sya na black lagi kong napapansin yan sa school na naka heels sya.


"Oh ang aga mo naman atang nagising?" tanong ko sa kanya at nilapag ko na ang bag ko sa upuan ko at nagsimula na rin syang tulungan


"Lagi naman eh. Good morning!" masayang sabi nya saakin na nakapag pangiti naman saakin. Ang ganda ng umaga ko shet!


"Good morning din. Wala ba akong good morning kiss?" mapanuksong tanong ko naman at kitang kita kong namula pa lalo ang cheeks nya HAHAHA ang cute nya.


"Sapak gusto mo?" natatawang tanong nya naman saakin at tinwanan ko na lang din sya hanggang sa


"Ang aga aga naman oh love birds ang haharot!" biglang sigaw saamin ni Vida kahit kailan talaga tong babaeng toh! HAHAHAH





Kayla's

Guuuuuyyss! ang aga aga pinapakilig ako ng lalaking nasa harap ko bakiiiitttt uhuhu. Eto namang Vida na toh istorbo eh HAHAHA joke


"Manahimik ka na ang pwede? HAHAHA kain na." sabi ko naman sa kanya at umupo na sila ni Ethan.


"Hmm oo nga pala umuwi na sila Maris." biglang sabi nya kaya naman bigla ding napunta sa kanya ang atensyon ko.


"Ha? bakit?" tanong ko naman sa kanya habang nagsisimula nang kumain


"May group project daw sila kaya hindi na sila nagstay dito." sabi naman nya saakin habang kumakain na HAHAHA


"Ahh ganun ba edi tayo na lang apat." sabi ko naman at medyo nadismaya pa ng konti kasi akala ko makakapagbonding na kami eh


"Wag ka nang malungkot dai! Andyan naman si Jerome oh aarte ka pa ba?" sabi nya sabay tawa bastos toh ah! sinamaan ko lang sya ng tingin at nagkibit balikat lang ang gaga!


"Oo nga andito naman ako eh, wala ka nang rason para malungkot pa. Sayo ako diba?" natatawang sabi pa saakin ng hampaslupang si Jerome abah!

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon