67: 4 Days.

48 1 0
                                    

Jerome's

I never believed na pag bibigyan pa ako ni Kayla ulit.  I know that I am an asshole for doing a thing that my girl doesn't deserve. She don't deserve me but what can I do? I really love her and I'll do my best this time para maging deserving na ako para sa kanya. Ramdam ko na, dati pa na nahihirapan na sya saakin at ayaw nya lang sabihin ewan ko din ba sa sarili ko at hindi ko magawang komprontahin sya sa ganong bagay. Hindi ako nawalan ng tiwala sa kanya, bumaba lang talaga ang tingin ko sa sarili ko noong mga nakaraang araw.


Maraming nag sasabi saakin na hindi naman daw talaga ako deserve ni Kayla, na marami pa namang iba dyan bakit mag sesettle sya saakin. Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan kahit hindi naman pinaparamdam saakin ni Kayla na hindi ako deserving sa kanya. Araw araw nya ngang ipinaparamdam saakin na mahal nya ako at mamahalin nya pa ako hanggang sa abot ng makakaya nya. Siguro kasi alam ko na din naman sa sarili ko na hindi ako karapat dapat sa kanya pero nung nag hiwalay kami ng sandaling panahon nag karoon ako ng panahon para makapag isip isip tungkol sa mga bagay bagay. Tama nga sya na makakatulong saakin, saamin ang pag kakaroon ng cool off dahil nagawa naming mag isip ng mas matured kesa sa dati.


Lahat ng tao dito sa school ay iniisip na napaka perfect naman ng love story namin dahil hindi nila kami nag kikitang mag kaaway. Nag kakaroon kami ng awayan pero mabilis lang din namang nawawala o nalulutas dahil nandoon pa yung pag kakaintindihan na meron kami. Hindi naman sa nawala na yung pag kakaintindihan naming dalawa pero kasi parang nawalan na ako ng confidence sa sarili ko dahil sa mga taong against sa relasyon namin dalawa. But I guess they aren't worth of my time. Hindi ko dapat iniisip yung mga bagay na ikasisira namin ni Kayla lalo na ngayon na okay na ulit kami. Hindi ko na gagawin yung mga bagay na ginawa ko noon na nag resulta ng panandalian nyang pag kawala saakin. Kahit pa sabihin mong sandali yun, aminin mo na kapag mahal mo ang isang tao and sandaling panahon na hindi mo sya makausap o makasama manlang ay parang isang buong taong hindi nyo pag kikitang dalawa. Ganoon katindi ang epekto ng pag ibig sa bawat isa kaya naman kapag nakatagpo ka na ng taong mag mamahal sayo ng higit pa sa iniisip mong kayang ibigay sayo, gawin mo ang lahat para wag lang syang mawala sayo dahil mahihirapan ka nang makatagpo ng mga taong kaparehas nila.


"Heey! Earth to Jerome!?! You're spacing out again!" bigla naman akong natauhan sa nag salita sa harap ko. Hindi ko namalayan na kung ano ano na pala ang iniisip ko at kasama ko ang taong pinakamamahal ko.


"I'm sorry. I'm just thinking about something." nahihiyang tinignan ko naman sya at nakita kong nakasimangot sya saakin kaya kinakabahan nanaman ho ako mga kaibigan HAHAHA.


"Something?! Huh! If I know that's SOMEONE!" may diin nyang sinabi ang huling salitang binitawan nya atsaka ako inirapan kaya naman agad akong tumabi sa kanya para suyuin sya dahil mahirap na, unang araw ng prinsesa ko kaya hindi ko dapat sabayan ang ugali nya ngayon hehe.


"Hey I'm sorry. Promise its nothing love. Iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte na nakilala kita at minahal mo ako gaya ng pag mamahal ko sayo. Na sorang swerte ko lang dahil tinanggap mo pa din sa ako sa buhay mo kahit na alam mong sa ating dalawa ako ang may mas malaking pag kukulang sa relasyon natin kaya maraming salamat." sabi ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya ng patagilid.


"Ano ba yan! You're making me cry naman ehhh." sabi nya saakin at nakita ko nga na maly luha nang pababa galing sa mata nya kaya agad ko din naman itong pinunasan.

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon