Kayla's
So, me and Vida are here in the Mall. Actually wala kaming plano kung saan kami pwedeng mag usap HAHAHAH ayaw na naming sa coffee shop kasi masyadong nang maraming nalalaman ang shop na yun tungkol sa buhay namin HAHAHAH charot.
"Ano na nga! Ikaw nag yaya wala ka naman palang plano! HAHAHA" kanina ko pa sya tinatawanan kasi hindi nya talaga alam kung saan kami kakain. Nung pag dating pa lang namin dito tinanong ko kaagad sya kung saan kami kakain and then she said she don't know HAAHHHA
"Teka lang naman kasi nag hahanap pa nga eh! Edi kung tumulong ka kasi ano!" masungit na sabi nya saakin kaya natawa na lang ako HAHAHAHA
"Bahala ka dyan. Mag aantay lang ako dito napaka kulit mo naman kasi eh." natatawang sabi ko sa kanya habang nag cellphone na lang kasi ang tagal nyang pumili kung saan kakain HAHAHAH
"Huy teh, ano ba matagal pa ba talaga yan? Nakakaloka ha nakakatamad na mag kwento." sabi ko sa kanya atsaka tinignan sya agad naman syang nag salita GAHAHAHA
"Eto na nga oh, want mo ba mag Tong Yang? or restau na lang para di na tayo patayo tayo?" agad naman nyang tanong saakin.
"Lugang na lang tayo sige ako na nagdecide nakakahiya naman kasi sayo HAHAHAHAH." sabi ko sa kanya pero inirapan ko pa din sya wala syang pake HAHAHHA
So ayun mula naman kasi sa kinatatayuan namin kanina malapit na yung Lugang kaya hindi kami nag lakad ng ganun kalayo. So pag kaupo namin nag tingin na agad kami ng pwedeng iorder then nag order na. And while waiting for our orders dun na kami nag start na mag usap.
"So kailan pa kayo okay na dalawa? at parang wala naman akong nabalitaan na okay na kayo HAHAHAHA. Nagulat na lang ako na nag kiss kayo, i mean kiniss mo sya sa cafeteria." sabi nya atsaka ako binigyan ng nanliliksing mata kaya naman agad na umikot ang mata ko sa kanya HAHAHAH
"Kasi nga diba we had some arguments, so ayun he always call me texts me whatever, and hindi naman sya tumigil na suyuin ako eh. Kapag may pagkakataon kakausapin nya talaga ako, ako lang naman yung umiiwas kasi feeling ko hindi pa ako ready. Pero matagal na pala akong ready, ang hindi lang naman ako sigurado ay kung paano namin maibabalik yung dati saamin. Aaminin ko na yung tiwala ko kay Jerome, bawas na as in bawas na bawas na. Isang pag kakamali na lang nya wala na talaga and I promised that to myself. Ayokong maging tanga o baliw sa pag ibig na meron kami ni Jerome. Kahit na sabihin mong college na kami, tayo soon, bata pa din naman tayo at marami pa tayong pwedeng matutunan sa araw araw na buhay natin. Kaya sinabi ko sa sarili ko, huli na toh kapag nag karoon pa ng malalang problema tigil na. Mahirap din kasi yung palaging kaming dalawa yung nag aadjust? Though good thing naman sya kasi dalawa nga kami, eh pero kasi baka sa kakaadjust namin nakalimutan na namin maging praktikal sa mga bagay bagay na meron sa mundo. At sa kakaadjust baka makasanayan na ng bawat isa yung bagay na hindi naman dapat ikasanay. I hope you're getting it kasi basta mahirap talaga eh wala naman talagang madali kapag napaglaruan ka na ng tadhana." nakangiting sabi ko naman sa kanya. Ewan kung totoo ba yung ngiti ko, siguro? kalahati. Masakit pa din naman kasi, hindi naman maiaalis saakin na nasaktan ako at nasaktan din sya sa nangyari saamin, syempre mahal namin ang isa't isa.
"I know that Kayla and I'm just so happy to hear those words coming from you. Kasi naalala mo dati na ako pa yung nag sasabi syo ng mga bagay na yan nung nag hiwalay kayo ni Ivan? Sobrang wasted mo non and sobrang feel ko na ang lungkot lungkot mo non. Minahal mo ng sobra yung tao eh, ilang percent lang yung natira para sa sarili mo. Lahat ng oras mo kahit para sa sarili mo ibinibigay mo pa sa kanya sa takot mong mawala sya pero nawala pa din sya sayo. Dahil hindi naman oras ang pinaghiwalayan nyo, third party. And from then, alam kong natuto ka na at hindi nga ako nag kamali. Basta kahit na baliw akong friend, I'm always here and I always got your back." seryosong sabi nya saakin atsaka sya ngumiti kaya naman napangiti na lang din ako sa sinabi nya.
