32: We're good.

96 2 2
                                    

Kayla's

Umiyak lang ako kagabi pero hindi ganun katagal. After nung nangyari kahapon umuwi na ako, hindi ko kinaya eh I was really damn hurt. Ikaw ba naman makita mo yung taong mahal mo na may kahalikang iba, sinong hindi masasaktan dun.


Andito na ako sa school, maaga akong umalis sa bahay kasi baka sunduin ako ni Jerome magiging awkward lang. Nasa cafeteria ako to be exact, wala pang masyadong tao at inaasahan ko na mas mauunang pumasok si Kayla kesa kay Je----


*kriiiingggg kriiiingggg*


Hindi ko na natapos ang pag sasalita ko dahil biglang nag ring ang phone ko sinagot ko din naman ito. Si Jerome.


"Hello."

'love...wala ka na daw sa bahay nyo?'

"Yeah. Andito na ako sa school"

'Love naman...akala ko susunduin kita.'

"May sinabi ka ba saakin?"

'Akala ko dating gawi.'

"Ha! Dating gawi? Hindi pa tayo nakakapag usap Jerome, just so you know."

'Sorry na love...andito na ako. Asan ka ba?'

"Andito ako sa caf."

'Sige hintayin mo ako.'



Hindi na ako nagsalita at inend call ko na lang, wala naman na akong dapat sabihin sa kanya eh. Kumakain lang ako ngayon ng chocolate cake with Iced tea, tapos nag ssound trip lang. Super konti lang namin dito sa cafeteria as in mga 5 lang kami. Maaga pa nga kasi HAHAHA hindi ko talaga alam kung bakit maaga akong pumasok, nasa wisyo ata ako HAHAHA.


Maya maya pa may naamoy na akong pabango, saulo ko na ang lahat sa kanya kaya kilala ko na kung sino yun. Pero mas nagulat ako nung hinalikan nya ako sa pisnge. Tinignan ko lang sya at ngumiti naman sya saakin atsaka umupo sa harapan ko.


"Good morning love." wagas na ngiting bati naman nya saakin.


"Hmm good morning." patango tangong tugon ko sa kanya, bigla namang napawi ang ngiting meron sya.


"Love akala ko ba okay na tayo?" seryoso pero may lungkot na sabi nya saakin.


"May sinabi ba ako? Ha! Sa pag kakatanda ko ngayon pa lang tayo mag uusap about that matter." pataray kong tugon sa kanya habang kumakain pa din.


"Ano bang gusto mong sabihin ko love?" malungkot nyang tanong saakin. Napatigil naman ako dahil don.


"Sabihin mo saakin kung...bakit? paano? at anong nangyari?" malumanay kong tugon sa tanong nya pero sa totoo lang inis na inis na ako. Bakit hindi nya alam ang saabihin nya? Mag eexplain lang naman sya eh yung lang yung kailangan kong marinig sa kanya.


"Nung hinihintay kita kasi galing ka ng cr tapos bigla na lang syang pumunta sa harap ko...at first nagulat ako kasi hindi naman sya yung inaantay ko. Tapos ayun kinausap nya ako ng kinausap. Nung una hindi ko sya pinapansin pero as the time goes by nainis na ako sa kanya kaya naman kinausap ko na sya, tinanong ko kung ano ba talagang gusto nya and then sabi nya na ako daw yung gusto nya. Namura ko sya non tapos bigla na lang nya akong hinalikan out of nowhere." huminto sya saglit kaya naman napatingin ako sa kanya, bigla na lang nyang hinawakan yung kamay ko. "I promise love, hindi ko sya gusto. Wala akong ginusto sa pag uusap namin. Ikaw lang okay na ako, sobra sobra ka pa nga eh. Please love...don't leave me. I promise I'll make it up to you." nanlulumong sabi naman nya saakin. Pagkatapos nyang sabihin saakin yun nginitian ko sya, hindi ko alam kung bakit.

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon