12: Ice Cream?

98 0 0
                                        


Kayla's

So ayun na nga guys ikkwento ko muna sainyo kung ano ba ang nagyari kanina huhu nasa class na kasi ako eh hehe...


Flashback


"OMYGHAD?!?!?!" nanlaki talaga yung mata ko sa nakita ko!


"-H-HOOOOOOOOOOOOOWWW?!" omg!


"HAHAHAHAHAHAHHAHAHA easyyy" sabi naman saakin ni Jerome


"PAAANOO?!" omyghad! This man right here in front of me is making my heart beat fast!


"Oo na si-------" hindi na nya natuloy yung sinasabi nya kasi niyakap ko na sya as in mahigpit na yakap!


"THANK YOU! OMG KA!" sabi ko sa kanya kasi alam nyo ba kung ano yung binigay saakin?


ITS A GOLDEN RETRIEVER PUPPY!


I can't explain my happiness right at this moment. Really!


"Ehem...excuse me love birds but we have to go, may klase pa baka nakakalimutan nyo?" tanong naman netong si Vida panira ng moment eh HAHAHA kaya ayun binitawan ko na si Jeroma atsaka inayos ako sarili ko. Binuhat ko pa yung dog na binigay nya saakin and he insisted to bring the flowers and my bag.


Habang naglalakad kami papuntang classroom hindi ko mapigilang hindi tignan si Jerome. Sobrang swerte ko na sa kanya kung tutuusin, hindi lang dahil sa mga binigay nya ngayon kundi sya talaga yung tipo ng lalaki na mamahalin mo kaagad. Pero kasi hindi pa ako sigurado sa feeling ko para sa kanya sa ngayon ehh...


"Wag mo akong titigan ng ganyan, baka iba ang maging interpretasyon ko." sabi nya saakin nang hindi ako tinitignan pero sa halip na alisin ko ang mga tingin ko sa kanya ay huminto ako at nahinto din naman sya.


"Bakit?" tanong nya saakin habang nakakunot pa din ang noo nya. Hindi ko muna sya sinagot at nginitian lang.


"Thank you for making this day a happy one. You really made my day. Thank you so much! Ikaw yung lalaking madaling mahalin at mahirap pakawalan." dirediretso kong sabi sa kanya...na bahagya nyang ikinagulat pero ako nakangiti pa din ako sa kanya


"Ibig bang sabihin..." sabi nya naman saakin...sana nga Jerome...sana nga...


Umiiling ako, at kitang kita ko ang pag babago ng expression ng muka nya dahil hindi sya magaling magtago ng totoong nararamdaman nya.


"Pero I know...we'll get there, hindi ka naman nagmamadali diba?" I ask him confidently at nakangiti ako, lalo akong napangiti nang makita ko syang ngumiti na din saakin.


"Oo...hindi ako nagmamadali at alam kong darating din tayo sa point na yung pero.....ako lang pwedeng manligaw sayo at wala nang iba." maotoridad nyang saad, kung yan lang yun wala naman akong problema duh! HAHAHAH

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon