Kayla's
"Hii!" masayang bati nya saakin, pero ako? Hindi ako masaya na andito sya at hindi ako masaya na nakita ko sya dito sa school KO!
"Ano namang ginagawa mo dito?" mataray na sabi ko sa kanya, nakita ko naman ang pag babago nyang itsura nya, marahil ay hindi nya inaasahan ang sinabi ko.. lumingon ako kay Jerome at halata mo ang pag tataka nung nakit nya si Ivan. Si Vida naman halata ang inis sa muka nya konti na lang ay masasapak na nya ng wala sa oras si Ivan. At si Julius naman na parang wala talagang alam which totoo naman HAHAHA.
"Hoy ikaw! Ano nga bang ginagawa mo dito?" inis at mataray na sabi ni Vida na lumapit pa kay Ivan nang sabihin nya yun.
"Uhh dito kasi ako pinag enroll ni Dad eh..nasabi nya kasi saakin na kayo daw Kayla ang may ari nito kaya sigurado sya na maganda ang magiging performance ko dito ." pag papaliwanag nya saakin, halata mong uneasy sya dahil sa set up namin ngayon.
"Okay." tanging sagot ko na lang sa kanya, pinisil naman ni Jerome ang kamay ko na hawak nya kaya napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko at tinaas ko ang kilay ko na parang nagtatanong ako kung bakit.
"Sino sya love?" bulong nya pero sapat na para marinig ko at nila Vida. Napatingin naman ako sa kanya atsaka kay Vida, tinanguan lang ako nito parang nag papahiwatig na dapat ay sabihin ko na.
"*ehem* Uhhh Jerome si Ivan ex ko, and Ivan si Jerome boy friend ko." halatang hindi inaasahan ni Jerome ang pag papakilala ko kay Ivan at ganun din naman si Ivan kay Jerome. Pero ganun pa man nakipag kamay naman silang dalawa sa isa't isa.
"And si Julius...boy friend ni Vida. Lalaking kaibigan, pero kaibigan din namin." seryosong sabi ko pero sa loob loob ko gusto ko nang tumawa HAHAHA, nakita ko naman sa peripheral vision ko na nainis si Vida sa sinabi ko hehe. Nakita ko din na ngumiti si Julius kay Ivan at ganun din naman si Ivan kay Julius.
"Uhh hi guys! Nice meeting you all!" masayang bati sa kanila ni Ivan. Ngumiti naman silang lahat na para bang okay lang lahat. Ngayon naman ay bumaling saakin si Ivan.
"Uh Kayla pwede ba tayong mag usap? Narinig ko na half day naman kayo." nag aalangan na tumingin sya saakin. Gusto ko din naman syang makausap for closure, hindi kasi maayos ang break up namin before, through phone lang sya.
Sandali naman akong tumingin ay Vida na parang tinatanong kung pwede ba pero nag kibit balikat lang naman sya saakin kaya ngayon tumingin na lang ako kay Jerome na ngayon ay bumuntong hininga. Pinisil ko naman ang kamay nya at ayun tumingin sya saakin, nginitian ko sya na nag sasabing magiging okay din ang lahat atsaka dahan dahan kong binitawan ang nya, hinalikan ko muna sya sa pisnge bago tumango kay Ivan bilang sagot.
Nag punta kami sa garden, sabi nya mas maganda daw mag usap dito kasi tahimik ay parang payapa lang ang paligid kaya pumayag na din ako dahil sumasangayon naman ako sa sinabi nya saakin. This time giniba ko muna yung walls sa pagitan naming dalawa kasi kailangan open talaga kami kasi kapag sarado yung mga utak namin hindi kami mag kakaintindihan.
"Uhh ano bang pag uusapan natin?" medyo easy kong sabi sa kanya para walang tensyon.
