28: Type nya daw.

66 0 0
                                    

Jerome's

Parang nawalan ako ng energy nung umalis na sila Kayla at Vida, nakakabakla HAHAHA. Eh wala eh mahal na mahal ko yung babaeng yun, she's too kind and innocent to be hurt by anyone. Parang ang hirap nyang saktan, nagulat nga ako na nag ka boy friend na pala sya. Wala naman kasi sa itsura nya na marami na syang ex, kahit na maganda sya syempre mataas ang standards nya kaya ayun hehe.


Ayun na nga, pag baba nila nag punta muna ako sa men's room tapos bumaba na rin ako. Habang pababa ako nakasalubong ko si Angel. Hindi ko sya pinansin kahit na ramdam kong nakatingin sya saakin, ayoko ng issue at ayokong magalit saakin si Kayla.


"Ang snob mo naman pala. Akala ko pa naman easy to approach ka." panimula nya, nakatalikod na ako sa kanya at ready na akong bumaba ulit nang sabihin nya yan. Humarap naman ako sa kanya para hindi ako mag mukang bastos. Babae pa din naman sya.


"Dipende naman kasi kung anong kailangan ng mga taong gusto akong iapproach." nakangiting sagot ko naman sa kanya at bigla naman syang ngumiti saakin nag umpisang bumaba ng hagdan para mag kapantay kami.


"Eh paano kung ikaw ang kailangan ko kaya kita inapproach ngayon, mapagbibigyan mo ba ako?" malanding sabi nya saakin. Oo malandi. Yun yung ramdam ko sa tono ng pananalita nya sa harap ko, medyo malayo pa din naman kami sa isa't isa.


"Hindi lahat ng pangangailangan naibibigay ng kahit na sino. Ang sagot sa tanong mo ay hindi. Humanap ka na lang ng iba." diretsong sagot ko sa kanya at aalis na sana ako nang pigilan ako sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay ko. Agad ko naman itong tinaggal pero dahan dahan lang dahil pilit kong pinapasok sa utak ko na babae pa din sya.


"Kahit ngayon lang naman. Balita ko wala naman ang girlfriend mo. Hindi naman nya maalaman, walang makakaalam." isa pang malanding tugon nya saakin.


"Pwede bang mag hanap ka na lang ng ibang lalandiin mo at paiikutin dyan sa mga kamay mo? Wala akong pakealam sa kailangan mo okay? At isa pa mahal ko ang girl friend ko. Hindi ko sya ipag papalit sa isang tulad mo." sabi ko diretso sa muka nya, alam kong nasaktan sya sa sinabi ko dahil agad kong naramdaman ang palad nya sa pisnge ko. Pero yun yung kailangan nyang marinig.


"Pasensya na kung nasaktan man kita pero yun lang yung gusto kong sabihin sayo at yun yung nilalaman ng puso ko kaya wag mong masamain ang pag sagot ko sayo non." pag kasabi ko non sa kanya ay agad na akong bumaba. Hindi ko na din naman naramadaman pa na sumusunod sya saakin kaya nakahinga na lang din ako ng maluwag. Sasabihin ko na lang din toh kay Kayla bukas para alam nya at hindi nanamin pag awayan pa.


Bigla ko namang natanaw si Julius na papalapit saakin, tumatako sya at hindi ko alam ang kailangan nya HAHAHA.


"Bro!" bati naman nya saakin nung nakalapit na sya saakin.


"Uy!" pag pansin ko naman sa kanya.


"Pwede bang sumabay? May itatanong din ako sayong mga bagay bagay HAHAHA." natatawang sabi naman nya saakin natawa din ako ng bahagya.


"Oo naman. Ano ba yun?" pag tatanong ko naman sa kanya habang nag lalakad na kami papuntang parking lot.

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon