8: Bonding!

158 1 0
                                    


Kayla's 

So ayun hindi ko alam pero parang ang gaan gaan na agad ng pakiramdam ko kay Jerome. Naging maganda nga ang buong umaga ko eh kahit na may nangyaring kababalaghan kaninang umaga sa cafeteria namin HAHAAH tho hindi naman ako affected sa pangyayari na iyon I still consider it as my "bad vibe" mode kasi diba hahanap na nga lang sya ng lalandiin yung wala pang panama saakin?! like duh! hindi ba sya nagiisip myghaad! nakakahiya sya kung ganon. As you can see hindi po ako mayabang hehe nagsasabi lang po ako ng totoo. Yang si Ella ay wala namang panama saamin ni Vida yan hanggang tingin lang sya maliban don ay wala na ngang iba pa. Parehas sila ni Angel, ewan ko ba sa kanila as in alam na alam ko na wala na silang maibubuga matatalino at magaganda lang may landi pang kasama. Mayaman sila at mas mayaman naman kami kaya, takot lang nila dahil kayang kaya namin silang pabagsakin.


Enough na nga sakanila, right now kasama ko si Vida, Ethan and of course Jerome. Ewan ko pero parang feeling ko super close friends na kami HAHAHA ewan ang gulo eh. We are currently goinh to the Mall kasi kakatapos lang ng klase namin eh Monday ngayon so bawal ang magagawa ng kahit na ano according sa policy ng school ang cool nga eh kaya eto kami mag lalakwatsa kasi panigurado kami na sasabunin kami lahat ng prof namin ng project, thesis, research papers at HOMEWORK! at malamang marami bpang iba, lahat yan magsasabay sabay dahil babawi talaga sila kahit na isang araw lang bawal may ipauwing gawain sa mga students gayan sila pagdating sa acads tho maganda naman din dito kapag may mga activities talagang mageenjoy ka!


At the Mall


"Uhh Kayla would you mind if I ask you kung bakit mo pinatigil agad si Joshua na manligaw sayo?" tanong naman saakin ni Vida nahalatang kinakabahan, dama ko ang kaba nya dahil siguro sa tanong nya saakin, pero I won't mind naman saka I can defend my decision a while ago.  


"Dahil ayoko ng malanding manliligaw, alam mo yan so bakit itatanong mo pa?" sabi ko naman pero malumanay lang alam kong kinakabahan na kasi si Vida kapag nagtaray ako kaya as much as possible kapag ganito ang topic namin pinipilit kong maging calm para naman maging maayos ang kalalabasan ng paguusap namin.


"It's just that.......Ethan and I knows that may feeling ka na sa kanya pero bakit ganun kadali kung ipagtabuyan mo sya, I mean ganun ganun na lang?" tanong naman nya which made me frown pero saglit lang dahil hindi ko lubos maisip kung bakit nya tinatanong ang mga bagay na yan ngayon lang nya ginawa iyan.


"May feelings ako sa kanya, pero katiting pa lang yon wala pa yun sa kalahati Vida kaya 'ganun ganun' ko lang syang ipagtabuyan dahil sa ngayon ay hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya at maliit na space pa lang ang meron sa sya puso ko, langgam lang makakapasok sa space na meron sya sa puso ko." sabi ko naman at huminga muna ng malalim habang nakikita kong bakas sa muka nya ang pagkadismaya at pagkahinayang. "At isa pa, mas mabuti na rin ito at least habang maaga pa ay nalaman kong may 'landi' palang tinatago ang lalaking yon, alam mong hindi ako martyr hindi ako magtitiis sa kanya at lalong hindi ako madaling magpatawad Vida alam mo yan, alam na alam mo yan." dugtong ko pa sa sinabi ko kanina, at nagulat naman ako nang may makita akong ngiting sumilay sa mga labi nya.


"Oo alam ko na yun." habang may ngiti pa din sa mga labi nya ano ba yan ang weird nya ah. "Natutuwa ako at hindi mo na ganoong isinusugal ang puso mo at natututo kang magmahal ng paunti unti." ayun naman pala eh sabi ko na nga ba.

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon