24: Almost..

98 2 0
                                        

Kayla's

"WHAT! My God sweetie bakit ngayon mo lang sinabi?! Why didn't you call us yesterday?" nag aalalang tanong naman saamin ni Mom


"Mom I was about to call you yesterday, pero kasi hindi na nag fa-function yung brain ko ng maayos kaya naman nag pahinga na lang ako at sinabi ko na ipagpapabukas ko na lang sasabihin. And I thought din naman kasi na sinabi na rin ng staffs natin sa hospital, hindi naman pala. Sorry Mom." sabi ko kay Mom, at konti na lang maluluha na sya, awww ayokong makita si Mom na ganyan..


"Mom don't cry I'm fine." pag kukumbinsi ko naman sa kanya at tumatango tango na sya saakin. "And besides Jerome protected me, kaya okay na ako Mom." pagkasabi ko non ay tinignan ko naman si Jerome na nakaupo lang at tahimik.


"Jerome, anak thank you for protecting our princess." buong pusong sabi ni Mom kay Jerome which made him smile...


"No problem Tita, I'm willing to risk everything for Kayla. I'll always protect her no matter what." buong buong saad din naman ni Jerome kay Mom at ngumiti naman ito ng wagas kay Jerome.


"I trust you iho, oh sya kailangan ko na din umalis dahil may board meeting kami sa company, Jerome ikaw na muna ang bahala kay Kayla ha. You sweetie ako na lang ang magsasabi sa Dad mo after ng meeting namin and I'll tell him to call you right away. Okay?" sabi naman nya saakin, at hinalikan na ako sa cheeks ko, ganun din naman ang ginawa nya kay Jerome at tuluyan na ngang umalis. At naiwan kami ni Jerome na nakaupo don.


Maya maya pa ay tinanong kami ni manang kung ano daw ba ang gusto naming meryenda.


"Manang may pop corn ba tayo?" agad agad ko namang tanong sa kanya, tumango naman si manang kaya naman sumilay ang ngiti sa mga labi ko. "Yun na lang manang marami ha, and ice cream hehe. At isang pitcher ng Iced tea, manang yung malamig na malamig please. Thank you po!" masayang sabi ko naman sa kanya at hinila na si Jerome paakyat sa room ko.


"Oh anong balak mo? saan tayo pupunta...tsk ikaw ha..." may mapanlokong tono ang boses nya kaya naman nakuha ko na ang nais nyang iparating saakin.


"Aakyat tayo sa movie room. Wag kang malisyoso dyan. Trip ko lang naman na mag movie marathon. Unless ayaw mo." nilingon ko pa sya nung sinabi ko ang huling kataga pero ngumiti naman sya


"Syempre gusto ko, kahit na ano pa ang gawin natin basta ikaw ang kasama ko love.." matamis na saad nya naman saakin na nakapag pangiti naman agad woohoo..


"Ayan ka nanaman sa mga banat mo love eh, namimihasa ah HAHAHA." natatawang sabi ko at natawa na lang din naman sya hanggang sa makarating na kami sa room ko. Naupo sya sa mini sofa ko doon at ako naman ay kinuha ko ang box ko ng CD ko.


"Love anong gusto mong panoorin?" tanong ko naman sa kanya habang nilapag ang box sa mini table ko sa harap ng mini sofa.


"Kung ako ang tatanungin love, may gusto ko horror. Game ka?" tanong naman nya saakin, medyo nag aalangan ako kasi matatakutin ako pero gustong gusto ko talagang manood ng mga horror HAHAHA.

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon