Vida's
Aaminin ko na syempre nasasaktan pa din ako, hello! nung isang araw lang kaya yun. Pero syempre dahil tumatak saakin yung sinabi na Kayla na 'one time big time' lang yang mga lalakig yan, mabilis kong natanggap yung nangyari. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na mag mamakaawa para balikan ako, lalo na si Kayla hinding hindi sya mag mamakaawa sayo na balikan mo sya kasi kapag wala na kayo, wala na. Of course aminin natin na masarap yung feeling nang may boy friend kasi feeling mo secured ka kapag kasama mo sya. Masarap din sa feeling yung pinapakilig ka nya, madalas nga hindi nya alam na sa simpleng galaw nya lang kinikilig ka na. Sa simpleng effort nya lang naiihi ka na sa kilig, yung mga ganun ba. Nakakamiss lang pero tuloy ang buhay HAHAHA.
So eto na nga ano nag lalakad na ako ngayon papuntang office ng mga teachers dahil kailangan kong ipasa kay Mr. M ang research paper ko. Hindi namin sya Prof ngayong araw pero ngayon ang pasahan ng research paper nya. Ewan ko ba dyan napaka arte. Pili lang yung binigyan nyang research paper, iba iba yung binigay nya na project saamin.
So eto na nga kakatok na ako sa door nang biglang bumukas! besh! so ang ending eto ang sakit ng pwet ko, kasi biglaan yung pag bukas na para bang nag mamadali, yung tipong najejebs na sya! HAHAHA!
"Aray naman!" inis na singhal ko dahil ang sakit talaga ng pwet ko jusko naman kasi! Hindi nag dadahan dahan.
"Hala miss sorry hindi ko sinasadya pasensya ka na...." aligagang sabi nya at tinulungan akong tumayo , pinulot nya na din yung mga gamit ko.
"Bakit ka ba kasi ganun mag bukas ng pinto? Nagmamadali ka naman masyado." inis pa ring saad ko sa kanya. Hayss ang sakit mga besh huhu..
"Pasensya na talaga, akala ko kasi late na ako eh. Kaso nakita ko sa watch mo may 15 mins pa. Sorry talaga miss." pagpapaumanhin nya pa rin. Abah! ang bilisha nakita nya agad ang oras sa wrist watch ko.
"Sige sige. Next time kasi mag suot ka ng watch para hindi ka nasstress sa oras mo." payo ko sa kanya atsaka pipihitin na ang door knob nang bigla nanaman syang nag salita.
"Ahh miss ako nga pala si Julius." pag papakilala naman nya saakin, at syempre ayoko namang maging rude hinarap ko sya.
"Hmm Vida. Nice too meet you." sabi ko at pipihitin nanaman ang door knob nang bigla nanaman syang mag salita.
"Pwedeng sabay na tayo pumunta ng building natin?" tanong naman nya saakin. Nagtaka naman ako dahil alam nya na agad kung anong building ako.
"Ah eh nakita ko kasi sa ID mo. Dun din building ko hehe." nahihiyang tugon naman nya saakin at tinanguan ko naman sya.
"Sige. Ipapasa ko lang toh." pagkasabi ko nun ay pinihit ko na ang door at pumasok na. Salamat naman at hindi na nya ako napigilan pang pumasok HAHAHAH napaka daldal!
Mabilis ko din namang naipasa ang research paper ko kaya naman lumabas na din ako kaagad. Mabuti naman at marunong itong maghintay HAHAHA.
