Kayla's
Nagising ako sa ingay ng orasan ko kaya tumayo na din ako at dumiretso sa banyo para mag CR at mag bihis na. After ko mag bihis nag punta na ako sa walk in closet ko at namili ng damit HAHAHA. Wala akong maisip na isuot kaya pinili ko na lang yung black na skater skirt ko and then crop top na polo hehe tapos nag heel ako na black pero yung para syang boots. Kinuha ko din yung back pack kong black na maliit. Nag lagay na ako ng tint sa lips ko at sa cheeks ko then nag perfume na ako. Saka ko nilagay lahat sa bag ko including my powerbank and earphones pati Ipad and then yung isang bind ko na catleya notebook.
Pagkatapos ko gawin lahat yon eh nag punta na ako sa baba. Hindi naman ako kakain dadaan na lang ako sa starbucks para bumili ng coffee. Pag baba ko kinuha ko kaagad yung susi ko sa drawer tapos may envelope don na may pangalan ko kaya kinuha ko.
"Sweetie, we're very sorry for leaving you this early pero urgent kasi eh so we had to go back to Paris to fix everything. We hope that you enjoyed our bonding yesterday with Jerome's Family. Take care huh? Baka mga 1 week ulit kaming wala dyan. Sinama ko sa letter na toh ang credit card mo hija just use it when you need it don't worry mag dedeposit kami kapag nag kulang just let us know okay? I love you!."
Oh diba ang galing ng expectations ko kagabi HAHAHAH alam ko na toh sanay na ako eh. Pero hindi naman ako nagagalit sa kanila kasi they still have time for me tapos hindi ko na nafifeel na pinilit lang nila yung sched nila para makuwi para saakin. And alam ko din naman na para rin yun sa future ko kaya okay lang saakin. Nakita ko din sa loob ng envelope ang credit card ko kaya naman nilagay ko kaagad yon sa bag ko.
"Manang alis na po ako!" sigaw ko habang paalis na sa loob ng bahay. Alam kong maririnig naman ako ni manang kasi malapit lang ang kitchen eh.
"Hindi ka na ba kakain hija?" tanong saakin ni manang nung naabutan nya ako sa may pinto. Nginitian ko lang sya at umiling sa kanya. At tuluyan na akong sumakay sa kotse ko at nag drive papuntang SB. Hindi ko pa nachecheck ang phone ko, mamaya na sa SB.
Hindi nag tagal nakarating na din naman ako at nag order na. Habang inaantay ang order ko umupo muna ako sa malapit na part para mabilis makuha then dun ko na chineck yung phone ko.
From Love:
| Good morning love! Papasok ka na? |
Received.
Agad din naman akong nag reply sa kanya kasi medyo kanina pa sya nag reply eh baka mamaya nag aalala nanaman yun HAHAHA.
To Love:
| Good morning love! Yes. Pero I'm still here sa SB I'll just buy coffee and then I'm ready to go. How 'bout you? |
Sent.
Tumingin tingin lang ako sa paligid pagkatapos kong isend ang message ko. Wala pang masyadong tao dito mga 6 lang ganun kasi medyo maaga pa talaga eh. Tapos biglang nag vibrate yung phone ko.
From Prince:
| Hoy babae! HAHAHA pumasok ka daw ng maaga dahil walang klase ngayon. Ngayon na gagawin ang pangangmpanya para sa SC officers. By lunch daw kailangan may results na. Good morning! hehe. |
