25: One time, big time.

79 1 0
                                    

Kayla's 

Another day! Sana naman maging maganda ang araw na toh! HAHAHAH

So ngayon kakarating lang namin ni Jerome dito sa school kasi nga sinundo nya ako, sinabi nya yun kagabi. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Natrauma na ata ako sa nangyari saakin sa hospital, pero okay naman na ako, sadyang feeling ko talaga may sumusunod saakin or may nakatingin from afar. 


"Okay ka lang love?" nag aalalang tanong naman saakin ni Jerome nung pagkababa namin at nilapitan nya ako. Ngumiti ako sa kanya pero hindi pilit yun.


"Oo naman love." sabi ko sa kanya atsaka inaya na sya na mag lakad dahil nag aantay saamin sila Vida sa canteen...


Habang nag lalakad kami hindi pa rin maiwasan yung mga taong pumapansin saakin..at yung mga nag bubulungan ng kung ano ano pero naririnig naman..


'hala nakabalik na pala sya'

'kamusta na kaya sya'

'baka pati dito makapasok yung gustong pumatay sa kanya'

'oo nga noh baka madamay pa tayo'

'ano ba kayo, hindi naman siguro nakalimutan nyo na ba na dad nya ang may ari nito'

'hindi namin nakakalimutan yun. Eh pero diba sa hospital din nila sya muntik na mapatay.'

'kung ako sainyo tumigil na kayo, baka ano pang mangyari sainyo kapag narinig nya kayo.'

'ano naman ngayon? wala naman syang pwedeng gawin saatin kung nagkataon, kasi hindi porket sila ang may ari ng school eh pwede na sya mag reyna reynahan.'

'wow gurl! anyare sayo? bakit ang sama na ata ng tabas ng dila mo ha?'

'wala. natauhan lang naman ako.'

'wala daw...oh baka naman sumapi ka na kila Ella at Angel.'

'wala namang masama.'

'ay confirmed! wag ka na saamin gurl! nasa masamang daan ka na.'


Hindi ko na napigilan, lumapit ako dun sa mga taong nag bubulungan.


"Pasensya na ha, sana kasi kung gusto nyo ako pag usapan, yung hindi ko na dapat naririnig pa. Well anyways, tama ka naman wala nama akong magagawa sayo kasi hindi porket kami ang may ari ng school mag rereyna reynahan ako. Kailan mo naman ako nakitang mag reyna reynahan?" tumikhim ako ng sandali at hindi sya makatingin saakin ng diretso. "Oh diba hindi ka makasagot? Alam kong hindi ako dapat mag reyna reynahan pero pwede akong mainis at magalit sa mga mapanghusgang katulad mo. Hindi ko nagustuhan ng tabas ng dila mo kaya naman lumapit na ako. Wala akong pake kung kabarkada mo na sila Ella at Angel, alam ng lahat na hindi ako nakikipag basag ulo kung hindi kailangan. Marunong akong makisama. Alam nyong lahat yan! Oh bakit naman biglang tumalas yang makati mong dila? Gusto mo, ay nyo akong siraan? Oh well good luck na lang sainyo kasi hindi naman ako magpapatalo sainyo. God bless and sana yang pag uusap nyo behind my back, sana sing galing din kayo sa acads nyo kasi yang paninira mo hindi naman makakadagdag yan sa grades mo." saad ko naman sa kanya atsaka umalis na. Naiwan syang naka nganga don at iniwan na din sya ng mga kaibigan nya. Wala na akong pake nabwisit ako sa kanya. Alam nilang ayoko sa lahat yung sinisiraan ako behind my back. Kung gusto mong may sabihin saakin sa harap ko dapat.

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon