Jerome's
Dumating na yung lec namin para sa susunod ng subject, medyo kakadating nya lang right after umalis ni Kayla. Tapos mga ilang minuto naman ang nakalipas nung mag announce si Kayla, so meaning to say andito na sya maya maya lang mga 2 mins kasi hindi naman kalayuan ang Dean's office sa room namin. Kaso lang 5 mins na wala pa sya so inexcuse ko na ang sarili ko na lalabas muna ako. Hindi ko alam kung bakit ako napapraning o kung ano man, iba kasi kutob ko eh kaya nga kanina hindi ako pumapayag na umalis sya mag isa but she insisted wala na akong nagawa.
And then boom! nashookt ako sa nangyari, tho nakita ko talaga and bilib ako kay Kayla dahi alam kong nagulat din sya at hindi inaasahan ang nangyari pero nagawa nya syang itulak in no time, pag katulak nya sinapak ko kaagad si Joshua! Gigil na gigil ako sa kanya. Hindi naramadaman ni Kayla na andito na ako sa tabi nya, nung hinawakan ko na yung kamay nya agad syang napatingin saakin..
"Jerome..." halos pabulong na sabi nya saakin atsaka isa isang pumatak ang mga luha nya. Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit dahil alam kong natatakot sya. Nung nagbitaw na kami sa yakap ni Kayla, andun pa din si Joshua nakaupo tsk weakling shit!
"Umalis ka na pare, baka kung ano pang magawa ko sayo." mahinahon pero may pag babanta sa boses ko.
"K-Kayla...hindi ko sinasadya promise....sana friends pa tayo.." nag mamakaawang sabi naman nya kay Kayla, nagpantig ang tenga ko sa mga sinabi nya.
"EH GAGO KA PALA EH?! HINDI MO SINASADYA?! ANG LUPET MO NAMAN TOL, ANO YUN NAMAGNET YUNG LABI MO SA LABI NG GIRLFRIEND KO?! AT ANO SANA MAGING FRIENDS PA DIN KAYO? GAGO KA BA? ASA KANG HAYOP KA?!" gigil na sambit ko sa kanya atsaka sinuntok nanaman sya, agad naman akong niyakap ni Kayla para pigilan.
"Love...tama na please.." himihikbing sabi saakin ni Kayla, kagagawan ng hayop na yan kung bakit umiiyak ang girlfriend ko. Nanggigigil na talaga ako. Huminga naman muna ako ng malalim para kumalma. Hinarap ni Kayla si Joshua na ngayon ay nakatayo na sa harap namin.
"Umalis ka na." may diing sabi ni Kayla sa harap nya.
"Sorry talaga Kayla, hindi ko sinasadya.." malungkot na sagot naman ni Joshua sa kanya at akmang hahawakan na nya ang kamay ni Kayla nang bigla na lang sumalubong ang palad ni Kayla papunta sa pisnge ni Joshua. Ang lakas ng impact kaya siguradong masakit yon.
"Ha! Hindi mo sinasadya? Eh gago ka pala eh! Sabihin mo saakin kasabwat mo ba si Angel dito?!" galit nyang sabi kay Joshua pero hindi sya sumisigaw. Bawat salita na lumalabas sa bibig nya ay may diin, kaya halata mong gali na galit na sya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya...bakit naman magiging kasabwat nya si Angel. Pero hindi pa din nag sasalita si Joshua at nakatungo lang.
"SABIHIN MO SAAKIN! INUTUSAN KA LANG DIBA?!" nanggagalaiting sigaw na sa kanya ni Kayla. Nakita ko ang marahang pagtango nya. At dahil don ay nakatanggap nanaman sya ng sampal galing kay Kayla at nagwalk out. Sumunod naman ako kay Kayla at iniwan ang traydor na lalaking yon. Medyo mabilis maglaka ang mahal ko kaya kinalaingan ko nang tumakbo.
Nung naabutan ko na sya agad ko syang niyakap patalikod, humahagulgol pa din sya hanggang ngayon. Feel na feel ko yung galit nya kasi medyo gigil pa sya. Natatakot ako sa kung ano pang pwedeng mangyari saamin. Parang ang dami kasing gustong sumira saamin eh...
