53: Just the two of Us.

78 0 0
                                    

Kayla's

Habang nag aantay kami kila Jerome nag tingin tingin na kami ng mga pwedeng gawin dito sa hotel nila medyo madami naman toh eh HAHAHA actually its already 2am kaya hindi na kami matutulog like duh! Makakatulog ba kami kung mag sasaya naman kami HAHAHAA.


Anyways, meron silang ATV hiking din kaso wala na kaming extrang shirt kaya mag ATV na lang kami. It will take 2 hours naman daw so pwede na din yun, after non uwi na kami kasi syempre noh HAHAHA hindi na nga kami natulog mag sstay pa kami dito.


Ilang sandali pa dumating na din naman sila Jerome simpleng white shirt lang sila and board shorts, ako naka black V-neck shirt din and naka shorts si Vida naman naka white shirt then shorts din.


"So what's up?" tanong ni Jerome sabay akbay saakin HAHAHA.


"Uhm love we're planning to do the ATV okay lang?" tanong ko naman sa kanya habang sumulyap ako.


"Uhm yeah its fine as long as makikiride lang kayo saamin." sabi naman ni Jerome. Wala namang problema yun kaya ngumiti at tumango kami ni Vida AHHAHA


"So lets go naaaa!" masayang sabi ni Vida. Tong babaeng toh akala mo hindi mauubusan ng energy eh HAHAHA.


Naglakad na kami dun sa may ATV na part. Mag kahawak kami ng kamay ni Jerome patungo doon. Malapit lang naman sya dito kaya mabilis lang din naman kaming nakarating.


"Ma'am, sir. Kailangan nyo pa po ba ng tour guide?" tanong naman saamin ni Manong.


"Uh maong may tendency ba na maligaw kami? Hindi ba toh dire diretso lang?" takang tanong ko naman kay manong.


"Dire diretso lang naman toh ma'am pero kung gusto nyo po na samahan kayo ng tour guide ayos lang din naman po." paliwanag saakin ni manong.


"Ah hindi na po manong, ayos na po kami salamat." sabat naman ni Jerome kaya ngumiti na lang ako kay manong.


Nag ayos na din kami ng maga bagay na dapat naming isuot for safety purposes. Tulad ng mga helmet tapos yung kinabit sa tuhod and sa siko namin ganun ganun basta HAHHAA basta pang safety para pag nahulog, hindi masasaktan.


Oh so ayun na nga after non sumakay na kami, nauuna kami kila Vida. Eto kami nag mamadali eh HAHAHA.


"Love kumapit ka baka mamaya mahulog ka dyan." sabi saakin ni Jerome, pero hindi pa rin ako kumakapit kasi tinaas ko yung kamay ko finifeel ko yung freshness nung hangin eh HAHAHA. Maya maya habang nag eenjoy ako biglang binilisan ni Jerome yung takbo nya kaya ang ending napakapit ako ng aggressive sa kanya HAHAHA.


"Love naman eh!" sabi ko sabay palo sa braso nya. Kainis HAHAHA.


"Ang kulit mo kasi love eh, paano kapag nahulog ka dyan." natatawang sabi nya saakin.


May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon