Kayla's
Yesterday was a very tough day! Jusko nakakapagod as in bagsak na bagsak na kaming lahat, halos hindi mo na ako makausap kasi nga antok na antok na ako kaya hindi na ako makausap ng maayos HAHAHA. And now, kakagising lang namin ni Vida. Time check its already 11:25 oh diba ang late na ng gising namin HAHAHAHA. Actually hindi pa kami gumagalawa, wala pang ligo ligo nakahiga lang kami dito and then nanonood kami ng TV, tinatamad pa kaming gumalaw kasi feeling ko pagod na pagod na ako. Pinag iisipan ko nga kung saan na kami pupunta ngayon eh, super pagod pa talaga ako gusto ko na lang mahiga dito, ayoko na sumama.
"Vids, di na ako sasama sa tour natin ngayon sobrang pagod ako eh. Enjoy na lang kayo and capture a lot of photos okie?" nakangiti kong sabi sa kanya, nakatingin din ako sa kanya at nakatingin sya saakin kaya nakikita kong nakakunot ang noo nya.
"Hindi din ako sasama. Sobrang pagod ko kahapon eh. Balita ko mag sswimming daw ayoko na nakakapagod na nga yung kahapon kapaguran pa din hanggang ngayon." sabi nya saakin. Ngumiti naman ako dahil hindi lang ako mag iisa dito HAHAHA.
Inabot ko yung phone ko sa may side table namin ni Vida nakalagay kasi don, sya gumagamit na sya ng phone mag katext ata sila ni Julius.
To Love:
| Love! Good morning! I have to say something! |
Sent.
After a couple of minutes nag reply na din sya. Nanonood kami ni Vida ngayon ng cartoons hehe feeling mga bata kami eh AHAHHAHA
From Love:
| Good morning love! What is it? |
Received.
Pagkabasa ko agad naman akong nag type ng irereply ko sa kanya at sinend naman agad yun.
To Love:
| Love I'm not coming to the tour. Sobrang pagod ko so I'll just stay here. |
Sent.
Feeling ko mag papaiwan din sya pero hindi ako papayag kasi gusto kong maenjoy nya yung trip na 'to ayoko na dahil saakin hindi sya sasama.
From Love:
| Then I won't come also. |
Received.
See? HAHAHAHA I won't allow him pero kasi ang mahirap sa taong 'to if he really wants to do it he will.
To Love:
| No. Love I want you to enjoy this whole trip okay? So you're not staying. |
Sent.
Syempre susubukan ko pa din sabihin na kailangan nyang mag stay HAHAHA hindi ko sya kukunsintihin kasi gusto ko mag enjoy sya.
From Love:
| Paano ako mag eenjoy eh maiiwan ka dito. I'm not coming with them and that's final love. Don't argue. |
