57: Field Trip

72 2 0
                                    

Hey guys! Fast froward na po ang chapter na ito hehe. Uhm mag sisimula ang date nito ng October 15. 

Again! FAST FORWARD na po ang chapter na ito. Thanks!


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Kayla's

We are currently here as school kasi nga syempre panibagong araw panibagong pag aaral WAHAHA kahit sawang sawa ka na sa mga nakikita mo sa paligid araw araw keri pa din. By the way guys sa nakalipas na 3 months okay pa din naman yung saamin ni Jerome wag kayong mag alala HAHAHA as well as Vida and Julius' relationship mehehe. To be exact andito kami ngayon sa loob ng classroom kasi may announcement daw ang teacher. Ewan ko kung bakit sila pa yung mag aannounce, bakit hindi si Prince. Part din naman nya yon as a Dean namin HAHAHA.


"Love may alam ka ba sa ia-announce?" walang ganang tanong saakin ni Jerome na nasa tabi ko at as always hawak nanaman ang kamay ko.


"Kung meron love edi sinabi ko na sayo HAHAHA." natatawang bulong ko sa kanya, kasi diba nakakahiya naman kung lalakasan ko yung boses ko tapos may nag sasalita sa harap. Bad yon HAHAHA


"Oo nga naman love, may point." walang gana nyang sabi saakin pero ginamit nya pa din yung endearment namin kahit na ganyan sya. Madalas syang ganyan kasi kulang sya sa tulog. Syempre gumagawa kasi kami ng thesis, kahit na by group sya syempre mahirap pa din naman kasi research yun eh kaya madalas nga hindi na sya natutulog. Pero hindi naman porket inaantok sya ganyan na yung asta nya saakin palagi, hindi ganyan basta hindi nawawala yung sweetness nya in every aspect HAHAHA.


"Okay ka lang ba love? Hindi ka nanaman nakatulog ng maayos?" concern na tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi healthy yung hindi nakakatulog parati ng maayos. Madalas na kasi syang hindi talaga nakakatulog ng maayos.


"Kailangan ko kasing tapusin yung thesis love eh, pero wag kang mag alala love tapos naman na kaya makakatulog na ako ng maayos. Ikaw ba love? tapos mo na ba thesis mo?" tanong naman nya saakin pabalik. Hindi pa naman nag uumpisa yung announcement kaya pwede pa kaming mag daldalan HAHAHA.


"Yes love. Kahapon pa din ako natapos." nakangiting sagot ko naman sa kanya. Nakita namin na mag sisimula na yung announcement kaya hindi na kami nag kausap pa. Pumasok dito sa room si Prince, akala ko yung teacher yung maga announce hindi pala HAHAH


"Hello everyone, alam kong alam nyo na may announcement ako para sainyo. Bibilisan ko pa dahil sa napakaraming room dito na kailangan ko pang puntahan para mag announce. Hindi sa gym inannounce ito para hindi na kayo mahirapan pa at after kong mag announce mag papatuloy ang discussion nyo. Eto na para matapos na tayo. May gaganapin tayong Field trip, inaasahan na ang lahat ay makakapunta dahil ito na ang last na field trip nyo dahil iba na kapag college na kayo. Sinigurado namin na marami kayong matututunan sa mga gagawin nyo sa field trip nyo. Sana ay lahat kayo pumunta. Bukas na gaganapin ang nasabing field trip. Sorry sa short notice may mga kinailangan lang munang maayos para maging maayos din naman ang nasabing activity nyo. Kaya ngayong araw half day lang kayo para mag karoon pa din kayo ng oras para makapag prepare. Yun lang naman, thank you and good morning!" matapos ang mahabang sinabi nya ay agad din naman syang umalis sa room namin. Grabe sobrang hard working talaga nito ni Prince eh, kaya sya pinapagkatiwalaan nila eh dahil dyan sa mga bagay na kaya nyang gawin kahit na halos kasing edad ko lang sya.

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon