Kayla's
Sobrang pagod ako ngayong araw at hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw pero bagsak na bagsak na talaga ako.
"Ngayon na ba ako punta ng house nyo?" tanong naman saakin ni Vida habang naglalakad kami papuntang parking kasama namin malamang si Jerome at si Ethan.
"Hmm kunin nyo na lang yung gamit nyo sa house nyo then punta na kayo sa bahay. Sunduin nyo na lang toh si Jerome." sabi ko naman habang naglalakad pa rin...konti na lang uupo na ako pagod na talaga koo
"Hindi na,alam ko naman na yung bahay nyo diba? Besides walking distance na sya from our house so nothing to worry about." sabi nya saakin tinanguan ko na lang sya at patuloy pa din na naglalakad.
"Hmm una na kami ni Ethan Kayla...bye!" sabi nya atsaka ako bineso at niyakap I also did the same thing.
Nagsign na lang naman si Ethan na aalis na sila nginitian ko na lang sya at tinanguan dahil...pagod na talaga ako huhuh
"Mukang pagod na pagod ka ahh." concern na tanong naman ni Jerome saakin...kung sya napansin nya malamang pati na rin si Vida at Ethan
"Oo nga eh...wala naman akong masyadong ginawa pero ayy nakakainis magkadalaw!" sabi ko naman at sa sobrang inis ko natapilok ako like fuck!
"Oh! Magiingat ka kasi..mabuti na lang nasalo kita kung hindi nahulog ka na dyan sa bato bato." sabi nya naman saakin nung itinayo na nya ako.
"Sorry and thank you na din....sige na I have to go na see you na lang mamaya, matutulog ako para makapagbonding tayong apat sa bahay mamaya." sabi ko naman sa kanya at binigyan sya ng ngiti. Pagkatapos nun ay umalis na ako. Ako pa yung nagdrive kasi nga diba wala yung driver namin... buti nga nakayanan ko pang umuwi eh, sobrang bagsak ko talaga HAHAHA.
Pagdating sa bahay sinabi ko lang kay manang na matutulog muna ako sandali then tawagan na lang nya ako kapag dumating na yung mga kaibigan ko. Natawagan ko na sila Maris, Erin at Kelly. Ayun dumiretso ako sa kwarto ko at hindi na muna ako nagbihis kasi humiga na ako kaagad at ayun nakatulog na nga ako...Zzzzz...
30 minutes after
*tok tok tok tok*
Nagising na lang ako sa katok na narinig ko.
"Ma'am andyan na po ang mga kaibigan nyo. Nasa baba na po sila at inaantay kayo, nag handa na din po ako ng hapunan para makakain na kayo." sabi naman saakin ni manang kaya naman
"Okay manang, sabihin nyo baba na ako mag aayos lang po." sabi ko naman kay manang atsaka narinig ko na, na pababa na sya kaya naman pumunta na ako sa banyo para maghilamos at gumawa ng ritual HAHAHA.
Nagsuot lang ako ng shorts and sando na black, ganito lang naman kasi ako sa bahay wala naman akong ibang kasama kundi si manang lang so yeah HAHAHA. Pagkatapos kong magbihis at gawin ang kung ano anong pwedeng gawin HAHAHA bumaba na ako at bitbit ko pa ang cellphone ko syempre.