Kayla's
So ayun na nga, naupo na lang kami ni Vida kasi nga kinuhanan na kami ng puds HAHAHA.
"Hoy gurl! kuha tayo sa dessert table please!" pag mamakaawa saakin ni Vida. Nag puppy eyes pa sya HAHAHA syempre alangan naman iwan nya ako.
"Oo na sige na HAHAHA." natatawang sabi ko sa kanya at pumalakpak naman sya.
Nag umpisa na kaming pumunta sa dessert table, medyo crowded kasi yung iba nag sasayawan na so medyo nahirapan ako sa gown ko pero keri na, si Vida din naman medyo nahihirapan. Syempre iniwan namin yung pouch namin don sa table, hindi naman mawawala yon eh HAHAHA. Pag kadating namin sa dessert table, mag kaiba ng side yung buffet table sa dessert table. May mga gummies kaya naman ang saya ko HAHAHA habang kumukuha si Vida kumukuha din naman ako ng gummy worms isa isa HAHAHA.
"Kuhanan mo na lang din ako. Share na tayo kaya medyo damihan mo." malakas na sabi ko kay Vida kasi malakas na yung music, medyo wild na kasi HAHAHA mamaya pa yung sweet dance kaya nga kakain muna kami. After naman nung sweet dance rock ulit eh dun na lang kami babawi AHAHA.
"Okay sige." nakangiting sigaw naman saakin ni Vida pabalik kaya naman kumuha pa ulit ako ng gummy worms at kumain. Nilagyan ko din ng ummy worms yung plate na hawak nya para sa dessert kasi gusto ko HAHAHA trip nya din naman yon eh kaya walang problema.
Kuha lang ng kuha si Vida nang biglang may humawak sa braso ko kaya naman napatingin pa ako sa sobrang gulat ko.
"Love, sabi ko naman sayo wag kang aalis ng table eh. Buti na lang ikaw lang ang may naiibang kulay ng damit dito." concern na sabi saakin ni Jerome.
"Love, kumuha lang naman kami ng desserts. Bakit ba? Don't worry hindi naman ako mawawala." natatawang sabi ko pa sa kanya. Narinig ko naman ang buntong hininga nya.
"May problema ba love?" tanong ko naman sa kanya kaya napatingin sya saakin, ang amo ng muka nya. Kinuha nya ang phone nya at may pinakita saaking text message from unknown number.
From 09******
| Bantayan mo ang girl friend mo kung ayaw mo mawala sya sayo. *wink*
~M
Received.
Gulat akong tumingin sa kanya, kitang kita ko ang pag aalala sa muka nya. Wala akong kilalang may initial na M. Tapos mag dating namin sa table namin nakita namin si Julius na nakatingin lang sa kawalan na para bang nawala sya sa sarili nya.
"Hey babe, what's wrong?" takang tanong naman ni Vida at bahagyang nagulat pa si Julius sa pag dating namin.
Agad namang niyakap ni Julius si Vida. Ano bang nangyayari dito bakit may mga ganito.
"Pare may problema ba?" tanong naman ni Jerome sa kanya. Kita ko din ang pag tataka ni Jerome sa mga mata nya.
