Kayla's
MONDAY
Pagmulat ko palang ng mga mata ko at isang ngiti mula saaking labi ang sumilay, hindi ko alam pero ang ganda ng tulog ko at malamang ay maganda din ang gising ko kaya naman ginaganahan talaga ako. Tumayo na ako upang pumunta sa banyo ng marinig kong tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko muna ito at tinignan kung sino ang nagtext.
From Joshua:
"Hi my lady! rise and shine! kain ka na ng breakfast mo at bilisan mo para hindi ka malate:) see you! :*"
Yan ang nakalagay sa text kinikilig na ako inaamin ko kasi kahit na simpleng paraan lang yan para saaming mga girls lalo na saakin ay napakalaking halaga na nyan. Kasi laging may magtetext sayo ng ganyan umaga, tanghali, gabi. May mangangamusta sayo at kung ano ano pa so mararamdaman mo talagang mahalaga ka sa kanya kasi pinagtutuunan ka nya ng pansin kahit na sa simpleng bagay man lang. At yung kiss emoji, bihira lang ang mga lalaking manliligaw ang naglalagay nyan para kasi sa kanila ay korni nga yan pero para saamin ang cute kaya non.
To Joshua:
"Good morning! Opo at ikaw din noh HAHAHA, see you also:)"
Reply ko naman sa kanya at nagulat ako na mas mabilis pa sa alas kwatro ang reply nya AHAHHAA pero plus point sa isang manliligaw ang mabilis mag reply HAHAHAH.
From Joshua:
"Ay akala ko naman may kiss emoji den HAHAH anyway ingat ka:) (wag ka na magreply at kumilos ka na dyan:)"
Abah! ano akala nya easy to get ako? No way! HAHAHAHA so ayun since sinabi nya na wag na daw ako magreply edi wag at kikilos na nga ako.
Pumunta na nga ako sa banyo para maligo at nagbihis na rin naman ako kaya bumaba na ako para kumain ng breakfast at para makapasok na rin. Pagbaba ko as usual si manang lang ang naabutan ko kasi maagang umaalis sila mom and dad papuntang work, pero maaga naman sila minsang umuuwi. Kaya nakakapagbonding pa rin naman kami kahit papano. At ayun kumain na lang ako at nagpaalam na kay manang na aalis na ako. Hinatid na rin naman ako nung driver namin sa school, hindi pa kasi ako binibilhan nila dad ng car eh ewan ko ba sa kanila. Siguro sa next birthday ko bibilhan na nila ako hehe pero ewan ko pa din magulo sila promise! HHAHAHA.
After a couple of minutes
Bakit minuto lang at hindi oras? Kasi medyo malapit lang naman yung bahay namin sa school eh, and few blocks away lang naman din ang bahay ni Vida sa bahay namin. Ang bahay nila Ethan ay medyo malayo sa bahay ni Vida at sa bahay ko. At kung tatanungin nyo ako kung saan ang bahay ni Joshua ay hindi ko pa alam HAHAHA.
Nakarating naman ako ng matiwasay sa aming school HAHAHA charr lang syempre naman noh safe naman ako sa driver namin, since birth ko ata andito na sya eh, medyo may edad na rin kasi si manong.
"Thank you manong! Ingat ka pauwi :)" sabi ko sa kanya at tinignan nya lang ako sa mirror at nginitian.