Kayla's
Hindi ko alam kung paano pero nagising ako pero hindi ko pa minumulat ang mga mata ko. Ramdam ko ang hawak ng kamay saakin ni Jerome kasi alangan naman si Vida toh. Kaya naman pagbukas ko ng mga mata ko, ang dilim pero may naaaninag pa rin naman ako. Dahan dahan kong tinatanggal ang pag kakahawak ni Jerome saakin para sana abutin ang phone ko na nasa side table ko pero nabigo ako.
"Omygosh, sorry I didn't mean to wake you up love, I'm trying my best para hindi ka magising I swear. Pero sorry to wake you up love." malungkot kong saad dahil alam kong masyado pang maaga para magising ko sya at ayaw ko syang mapuyat nang dahil saakin.
"Love it's okay, ano bang kailangan mo?" medyo antok nya pang tanong saakin
"I was about to reach for my phone to check what time is it eh." sabi ko atsaka kinuha nya naman ang cellphone ko at sya na ang tumingin sa kung anong oras na.
"Love it's 2:35 AM, bakit ka nga pala nagising?" nagulat naman ako nang marinig ko kung anong oras pa lang kaya naman nalungkot agad ako
"Love I'm really sorry to wake you up ng ganito kaaga, promise I didn't mean to disturb your sleep. Please forgive me." nagsusumamo kong saad sa kanya at agad naman nyang hinalikan ang kamay ko
"Love, I said it's okay diba? Okay lang love, may kailangan ka pa ba?" tanong nya pa ulit saakin habang mapupungay pa din ang mga mata nya na animo'y antok na antok pa
"Love wag na it's okay kaya ko naman na eh. Go back to sleep na." sabi ko naman sa kanya at umayos na ako ng nakaupo dahil alam kong hindi na ako makakatulog pang muli.
"Love paano ka? Kaya mo bang mag isa lang dito? I mean dalawa kami ni Vida tulog tapos ikaw lang yung gising? Go back to your sleep na lang also love." sabi nya saakin na parang nawawala na yung antok nya which is not a good idea, habang mas patagal na patagal nya akong kinakausap mas malaki yung possibility na hindi na sya antukin.
"Love stop talking na and go back to sleep. Okay lang naman ako kaya ko na at isa pa hindi na ako makakabalik sa tulog ko dahil nagising na ako." dirediretso kong sabi sa kanya, kinuha ko na rin ang phone ko sa side table at inopen ng WiFi nito.
"Love are you sure you'll be alright?" paniniguradong tanong nya pa saakin ulit. Binigyan ko naman sya ng paniniguradong ngiti
"Love yes. Now go back to you sleep na, good mornight haha." medyo natawa pa ako ng bahagya sa sinabi kong iyon.
Maya maya pa ay inabot nya ang kamay ko at hinalikan ulit iyon, binawi ko din naman agad yon para hindi ko nanaman sya maistorbo mamaya kung sakaling may matipuhan nanaman akong gawin. Matapos nyang halikan ang kamay ko ay natulog ulit sya. Maswerte sya dahil nakakatulog pa din sya kapag nagigising sya, ako kasi ay hindi na.
Kung ano ano lang naman ang ginawa ko sa phone ko, nag scroll lang ako sa Twitter tapos like like, retweet retweet ganun ganun tapos pag nagsawa na punta akong Instagram, like ng like ng photos don tapos kapag nagsawa nanaman lipat naman ako sa facebook, scroll lang din. Kakascroll ko sa Facebook may biglang nag message saakin, nagulat ako kasi sino pa ba ang gising ng mga oras natoh, seryoso ano ba toh bampira? HAHAHAHA. At si Joshua yun. Hindi ko inaasahan, ayaw ko na sana iseen pero dahil bored din naman ako so ayun nakipag usap na rin ako.
