Kayla's
Matapos kaming mahimasmasan sa tawanan namin HAHAHA nakapag pasya na kami na mag paalam na din sa isa't isa because its getting late already. Pero we still have our ice cream in our hands HAHAHA. Hindi pa masyadong nagagalaw kasi kanina pa kami tawa ng tawa dahil sa naging reaction ni Ella sa mga sinagot ko sa kanya, her face was soooooo priceless HAHAHAHA. Ang hindi makaget over ay kaming dalawa ni Vida kasi alam mo na babae kami at masamang hangin talaga para saamin sila Angel, including her ex HAHAHA.
"Uhh pansin ko lang, kung si Angel na at si Ethan bakit hindi nya nililigtas si Angel mula saatin?" takang tanong ko, alam kong nagtataka na din sila sa tinanong ko sa kanila. Nakakapagtaka naman kasi talaga. Alam naming dalawa ni Vida kung gaano ka protective si Ethan kaya nakakapag taka ang ikinikilos nya. Tahimik lang sya at nakikinig sa nakikipag bangayan nyang 'girl friend' saamin.
"Uhm hayaan mo na sya. People change nga diba." isang ngiti naman ang sumilay sa labi ko. Alam kong move on na si Vida at masaya ako na hindi nya lang rebound si Julius, hindi dahil sa gawain nya yun or ganun yung pagkakakilala ko sa kanya, hindi sya ganun kaya sinuportahan ko sya sa gusto nya at syempre kaya naman naging sila ni Julius.
"Ehem! Uhh guys I think we need to go already. Its getting late na. Kahit na Saturday bukas we still need a rest kasi alam kong pagod din naman ang mga utak nyo." nakangiting sabi naman saamin ni Jerome kaya naman tumango na din kaming lahat.
"Oh dito na lang mauuna na kami sainyo, malay ba namin kung gusto nyo pa ng 'babe time' HAHAHA byeee!" sabi ko at nakipag beso kay Vida pati na din kay Julius. Ganun din naman ang ginawa ni Jerome pero nag bro hug sila ni Julius.
Bago pa man kami makalayo ni Jerome kila Vida ay lumingon ako at nakita ko naman na lumingon din sya saakin kaya kinawayan namin ang isa't isa. Hindi yon napansin ni Jerome at alam kong si Julius din, hindi nya napansin ang ginawa ni Vida kaya napatawa ako ng bahagya kaya napalingon saakin si Jerome.
"What is it love?" takang tanong nya saakin habang nakakunot pa ang noo nya.
"Nothing love hehe." bahagya pa ulit akong napatawa dahil sa kanina ewan ko ba, ang saya ng araw na toh kasi puro good vibes lang.
Nung nasa tapat na kami ng car nya at akmang pag bubuksan na nya ako ng pinto nang biglang nag ring ang cellpone nya. Hindi na sya lumayo saakin para sagutin yun kaya naman napangiti na lang ako sa kawalan. Sumandal muna ako sa kotse nya. Hindi naman nagtagal ang pag uusap nila nung kung sino man yun at pinagbuksan na nya ako ng pinto. Pagkasara nya non ay agad naman syang tumakbo papunta sa driver's seat.
"Uh love? Sino yun?" nangangapang tanong ko sa kanya pero nagulat ako nang ngitian nya ako, as in malawak na ngiti ang binigay nya saakin.
"Si manang yun love. Sinabi nya saakin na umuwi daw sila mom and dad at nasa bahay na sila ngayon." masayang sabi nya saakin. Ang saya nya kaya naman hindi ko din napigilan ang maging masaya at maging malungkot. Masaya ako kasi masaya sya at nag karoon ng time ang parent's nya sa kanya, hindi sa walang time saakin ang parents ko. Malungkot ako kasi hanggang ngayon hindi pa din umuuwi sila mom, miss na miss ko na sila sa totoo lang.
"What's with the sad face love?" takang tanong nya atsaka ako tinapunan ng tingin dahil nag dadrive na sya ngayon paalis ng mall. Hindi ko naman namalayan na lumungkot na ang muka ko.
