Vida's
Hi guys! obvious naman na Vida ang pangalan ko diba. So ayun napakilala naman na ako ni Kayla na bestfriend nya ako so ano pa bang sasabihin ko HAHAHAHA.
So ayun nga ako nga bestfrend ni Kayla for almost.....uhhhh di ko na maalala eh AHAHHA basta matagal na. Sa pagkakaalam ko, alam ko naman lahat ng sikreto nung babaeng yon. Bakit sa tingin nyo di ako sure? Kasi hindi naman ganung magkwento saakin yun. Kahit pa bestfriend nya ako madalang lang syang magkwento sa mga tao malamang including me.
Pero ngayon feeling ko madami dami na syang naikukwento saakin. Hindi ko nga alam eh, siguro lang naman napansin nya na kailangan nya din magkwento saakin nohHAHAHA kasi ako nagkukwento talaga ako sa kanya kasi may trust naman ako sa kanya. I'm not saying na wala syang trust saakin kahit na bff nya pa ako, sobrang trustworthy ng babaeng yan and ako lang yung pinagkakatiwalaan nya ng higit sa mga tao. Siguro ayaw nya lang yung kwento ng kwento.
So ayun ako, andito naman ako palagi para sa kanya eh. May boyfriend din pala ako si Ethan Gomez. 1 year na kami nung mokong na yun. Ay oo nga pala si Kayla walang boyfriend yun since birth, yep pero may mga naging kaMU naman sya eh. Masyado kasing strict ang parents nung babaeng yun. Sinabihan sya na bawal muna hangga't hindi nya natatapos ang highschool. At oo nga pala maniwala kayo at sa hindi, kapag may lakad ang barkada sa kanya ang may mas matinding paalam. Kasi kahit na malapit lang ang pupuntahan may curfew pa sya hanggang 5 lang at madalas ay hindi nya pinapayagan.
One time nung pumunta kami kila Christofer nalate lang sya ng 30 mins napagalitan na sya HAHAHA ang bruha wala namang say eh wala namang pake yun kung pagalitan sya HAHAHA nagenjoy naman sya eh.
So ayun enough of it. At si Kayla ay ang tagal dumating -____-
Jerome's
Ako nga pala ang bagong student sa Santiago University. Unang araw pa lang naman ay nagkaroon na ako ng kaibigan. May mga babaeng kumakausap saakin. Ayoko muna silang pansinin ewan ko ba kung bakit HAHAHA.
Isa rin sa mga kinaaayawan ko ay ang introduce yourself kasi paulit ulit na lang sa lahat ng subject HAHAHA.
So ayun paguwi ko may mga friend request na ako galing sa mga students ng Santiago University and I can say na mababait sila. Isa sa mga nagfriend request saakin ay si Angel, Ella at si Kayla. Si Kayla ang nagiisang anak ng may ari ng school namin. Hindi sya matapobre katulad ng mga anak mayaman, sobrang simple lang nya. Actually natutuwa naman ako sa kanya dahil sa ugali nya. Marami syang sets of friend na hindi ko talaga inexpect dahil nga diba anak sya ng may ari at ang makikipag kaibigan lang sa kanya ay ang mga gold digger but I guess I was wrong kasi sobrang totoo nung mga kaibigan nya. Sobrang kalog nilang lahat.
Si Ella naman at Angel ang nakikipag usap saakin na hindi ko muna medyo pinapansin. Sa totoo lang inoobserbahan ko pa ang mga tao sa paligid ko. As in lahat. Ewan ko pinanganak na ata ako na ganon ang maging observer.
Katulad neto muka namang friendly si Ella at Angel meron din silang sets of friends. Hindi naman masamang makipagkaibigan sa kahit na sino pero sa ngayon mag oobserve muna ako. Mahirap na kasi baguhan pa lang naman ako.
Marami ring nakakakilala kay Ella at Kayla. Si Ella dahil ata sa ate nya si Kayla naman ay dahil anak sya ng may ari.
May pagkamaldita ang babaeng si Kayla pero hindi sya yung bully talaga. Parang natural na lang sa kanya ang pagiging maldita kasi sa nakikita ko sanay na ang mga tao na nagmamaldita sya. Pero I can say na wala syang inuurungan pag dating sa mga kaibigan nya, ayaw nyang naaapi ang mga ito. Kung hindi lang kami high school at ganyan ang ugali nya iisipin kong gangster sya HAHAHA. Pero ayun nga mabait sya as in namimigay pa nga yan ng pagkain at nagpapahiram ng mga gamit nya. Hindi sya madamot isa na rin ata toh sa dahilan kung bakit sya nagustuhan ng mga tao.
