Kaylas's
GOOD MORNING! RISE AND SHINE!
I don't know kung bakit masaya ang umaga ko ngayong Sunday. Siguro kasi makabuluhan ang mangyayari sa weekend ko at talaga namang maasabi kong rest day ko na nga ito HAHAHHA.
Eto na nga ginawa ko na nga ang aking morning rituals at bumaba na para magbreakfast. Hindi ko alam kung kailan uuwi sila Mommy eh, may tatapusin pa kasi sila sa ibang bansa. Pagbaba ko naman as expected ay malamang may pagkain na ako. Pagkaupo ko pa lang ay bigla namang nagvibrate ang phone ko. At nakita ko na nagtext si Joshua ano bang trip neto HAHAHA.
From Joshua:
"Hi good morning Kayla :), btw ang game is 9. Wag kang mawawala ha. See yah! :)"
Yan naman ang nakalagay sa text saakin netong lalaking toh HAHAHA
To Joshua:
"Hi good morning din :) opo hindi po ako mawawala HAHAHA."
Reply ko naman sa kanya at bigla naman akong nakatanggap ng text mula kay Vida.
From Vida <3 :
"Beshy!!!! Nood tayong game nila Ethan ha?"
Ay ang bruha talaga oh HAHAHAH
To Vida <3 :
"Kahit hindi mo na sabihin beshy manonood naman talaga ako. HAHAHA"
Sabi ko naman sa kanya.
From Vida <3 :
"At paano mo naman nalaman na may game sila Ethan?"
To Vida <3 :
"Sinabi ni Joshua. Sige na at mag aayos na ako mag 9 na oh antayin nyo na lang ako sa gym hehe bye bye."
Natapos naman akong kumain kahit papaano. Alam kong hindi na magrereply ang babaeng yun kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na. Nag white V-neck T-shirt na lang ako and short at malamang naka slippers lang ako jusko village lang naman eh.
Naglalakad na ako ngayon papuntang gym or covered court. Phone and wallet lang naman ang dala ko kasi diba baka maisipan nila na kumain around the village prepared ako. Alam na rin naman ni Ethan na hindi ako pwedeng lumabas ng village kapag sunday eh unless out of towm nga ganon. At tuwing Sunday sila ni Vida ang kasama ko mag food trip dito sa village iniikot namin HAHAHA malawak kaya toh marami na rin kaming napuntahan at nakainan pero mas marami pa kaming hindi napupuntahan at nakakainan. Kahit nga third wheel na ako sa kanila eh okay lang basta kasama ko sila HAHAHA.
So ayun nga nakarating na ako sa covered court within 5 minutes. Hinanap ko ang kinaroroonan ni Vida at hindi nagtagal ay nakita ko na rin naman sya na katabi ni Ethan, nagaantay sila ng oras eh. Nilapitan ko na sila at bumati hehe.
