Enter 11: Suddenly

15.4K 595 34
                                    

[Klark's POV]

Hi everyone! Good morning! Alam niyo bang kulang ako sa tulog. Baka dalawang oras lang yung tulog ko. Eh kasi naman. Aish. Bahala na nga.

Agad na akong pumunta sa banyo. Hindi na ako nagulat nang makita kong ang laki-laki ng eyebags ko. Ilang kilo kaya 'to? Magkano ba yung bentahan ng eyebags?

Tawa naman kayo diyan para hindi ako malugi. Haha. Kahit pilit na tawa. At least tumawa kayo diba?

Anyway, ginawa ko na yung routines ko.

Paglabas ko nakita kong kumakain na si Josh.

Tumingin lang siya sakin nang mapansin niya ako tapos bumalik na siya sa pagkain. Kumuha nalang din ako ng pagkain ko.

•••••||

[Special Section]

"Anyway class, ngayon na pala magsisimula yung try outs para sa iba't ibang clubs. After this, pwede na kayong lumabas para makapag-try, okay?," Ms Bianca said.

Nag-yes naman kami bilang sagot.

Nagbigay lang siya ng mga paalala para sa try outs mamaya.

"Before I forgot, kailangan niyo palang sumali sa mga clubs dito sa school, hindi yung kung ano anong clubs diyan sa kanto ha...," nagtawanan kami sa sinabi niya.

"Anyway, ang ibig kong sabihin kailangan niyong sumali kasi requirement yun, lalo na sa PE subject niyo," dagdag niya.

May napili na ako kung saang club ako magta-try-out ^0^

"And that's all. I think it's all clear. Pwede na kayong lumabas"-Ms Bianca.

Tumayo muna kami at yumuko sa kaniya bago lumabas.

" Klark, saang club ka magta-try out?," tanong sakin ni Jerome.

"Sa Volleyball Club," simple kong sagot.

"Talaga? Sigurado ka?," paninigurado ni Jerome.

"Oo nga! Bakit di ka naniniwala?," tanong ko sa kaniya.

"Eh di good luck sayo bespren. Sana makasali ka," ang wirdo ng bespren ko. Parang may halong pang-aasar na may pag-aalala yung tono ng boses niya.

"Tss"

Guess who kung sino yung nagsalita? Eh di sino pa ba? Eh di yung walang modo kong master 'kuno'

Hindi nalang namin siya pinansin. Bahala siya diyan. Hindi pwedeng palagi nalang na siya yung nasusunod kahit na siya pa yung anak ng owner ng school na 'to. (Kahit matanggal yung scholarship mo?)

Oo nga pala. Ah basta!!! Bahala na!

Naghiwahiwalay na kami ng direksyong tatlo. Sa Basketball Club yung dalawa eh. Nasa ibang building kasi yung court ng volleyball.

Pagdating ko dun ay nakita ko yung mga schoolmates kong nagta-try out din. Pero parang kawawa. Kasi hindi nila nagagawang tamaan yung bola.

Pumasok na ako. Napatingin pa sila sakin.

"Magta-try out ka din ba?," tanong ng lalaiking naka-jersey na may nakatatak na number 6 sa damit niya.

"Ah opo sana"

Nakita kong napangisi ang ibang nakasuot ng jersey.

"Okay. Kayong dalawa, umalis na kayo diyan sa court dahil hindi kayo tanggap," sabi ni number 10 sa schoolmates namin na nasa court ngayon. Para silang namatayan dahil sa sinabi ni no. 10.

"I have a challenge for you. Kapag matatamaan mo ang lahat ng tira ko, pasok ka na," hamon ni no. 9. Siya kasi yung nasa court.

"Okay"

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon