Enter 66

4.5K 231 16
                                    

[Klark's POV]

Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong dumiretso.

Napailing ako nang mapansin kong sa kwarto niya pala ako pumunta. Ang bobo mo talaga Klark! Ugh! Epekto ba 'to sa nakita ko kanina?

Pero nilock ko nalang yung pinto ay umupo sa kama.

T*ng*na naman eh! Magpapaliwanag pa siya eh may ebidensiya naman sa mukha niya? Siguro nag-enjoy sila. Mas lalo na yung g*gong CJ nayun. Napaupo ako.

OA na kung OA peri masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba akong ngayong harap-harapan kong nakita kung paano siya halikan ng babae na yun?

Nakarinig ko ng sunod sunod na katok mula sa pintuan.

"ZK alam kong nandiyan ka! Buksan mo yung pinto. Mag-usap tayo," rinig kong sabi niya. Kilala ko na kung sino yun.

"A-ayoko!," napatakip ako ng bibig ng pumiyok ako.

"Z-ZK...please. Pakinggan mo naman ako oh," sabi pa niya.

Umiling-iling ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita.

Hindi ko na narinig pa ang mga katok kaya napaiyak ako lalo. Itinukod ko ang kamay ko sa magkabilang gilid ko at yumuko.

Agad akong napalingon sa may pintuan dahil biglq itong bumukas. Ang tanga mo talaga Klark. Nakalimutan mong may susi siya ng kwarto niya. Agad akong tumayo para umalis sana pero hinarangan niya ako.

"Alis," madiin kong sabi.

"Mag-usap tayo. Pakinggan mo ako," umiling ako bilang sagot sa sa sinabi niya.

"Ayoko. Makinig ka naman sa akin. Yung nakita mo kanina? Hindi totoo yun," tinignan ko siya ng masama.

"Hindi totoo? Hindi ba totoo ang tawag dun? Alam kong hinalikan ka niya CJ kasi nakita ko! At wag mo ng itanggi yun! Masarap ba?," sarkastiko kong tanong sa kaniya.

"Z-ZK naman. I mean, hindi ko ginusto yun. At hindi ko alam na mangyayari yun. At sa maniwala ka o hindi, plano ng babaeng yun. Nakita mo ba yung dalawang maskuladong lalake na paalis?," nga-isip naman ako at tumango ng marahan.

"Silq ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis sa park nayun. ZK, maniwala naman sa akin. Nagsasabi ako sa'yo ng totoo," napabuntong hininga ako.

Imbes na sagutin siya ay naglakad nalang ako palabas.

"ZK-"

"Bitiwan mo ako. Gusto kong mapag-isa," sabi ko at inalis ang kamay niya sa braso ko.

"Ayusin muna natin 'to-"

"Please..."

••••••••••||
[Josh's POV]

Agad akong napapikit at napabuntong hininga. Nang dumilat ako ay dahan dahan akong tumango. Kahit masakit. Kahit gustong gusto kong ayusin namin 'to.

Hindi ko mapigilang umiyak nang tulayan siyang umalis.

Umupo nalang ako sa kama ko at napabuntong hininga.

Maya-maya pa ay nakarecive ako ng text mula kay ZK.

From: Love
Wag mo ng balaking sumunod pa. Kaya ko ang sarili ko.

Napahiga ako dahil hindi ko kinaya ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ayaw mong maniwala ZK?

••••••••

Kahit anong pilit kong kalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Kahit alam kong kaya na niya ang kaniyang sarili, hindi ko parin maiwasang mag-alala. Kanina ko pa siya tinatawagan at tinetext pero hindi siya sumasagot.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon