[Klark's POV]
It's been a week after nung pangyayari sa fishball'an. Aish. Nakakainis kasi hindi ko parin nakakalimutan >.<
Haist! Bayaan muna nga natin yung kalandian ko na yun. Haha.
Tungkol naman sa Sport Fest, kami yung naging champion sa lahat ng sports. Sabi ng karamihan, expected na daw yun dahil sunod sunod daw ang pagkapanalo ng Aeden Academy. Ang galing lang ano?
Hindi ko pa nakikita si master Josh kasi maaga siyang pumasok. Pagkarating ko sa classroom ay halos nandito na ang lahat ng classmates namin. Pati si Brix nandito na rin. Kaso wala si Josh dun,. Teka akala ko ba pumasok na siya?
"Himala hindi kayo magkasama?," mapang-asar na tanong sakin ni Brix nang makaupo ako.
"So?," kunot noo kong tanong.
"Malay mo diba? Naghanap siya ng babae," bulong niya sakin. Tinignan ko siya ng masama.
"Pake ko? Hindi naman kami," pero paano nga kaya kung naghanap ng babae? Edi wala ng pag-asa? (Talagang walang pag-asa! Babae ang hanap, hindi lalake! Isip isip naman Klark)
Ang harsh nung umeepal!
"Natahimik ka? Whahaha iniisip mo siya na may kasamang babae ano?," mapang-asar na sabat ni Brix sakin.
"Tumigil ka nga! At tsaka bakit ko naman siya iisipin? At isa pa, hindi ko naman crush o gusto o mahal para isipin yun," lingon kong sabi sa kaniya. Diba nga nasa likuran ko lang siya?
"Talaga lang-," hindi natuloy ni Brix ang sasabihin dahil may biglang nagsalita-si Master Josh.
"You're being too noisy for a man," walang emosyon niyang sabi. Natahimik naman kaming dalawa at umayos na ako ng upo.
Dumating na si Ms Bianca kasama niya si Jerome.
"Good morning Ms. Bianca," bati namin.
"Good morning. Pwede na kayong umupo. Anyway, I have a good to you guys especially to our athletes. Well, you'll gonna have a 3 days field trip!," masayang anunsyo ni Ms Bianca.
Nagsigawan naman kami, except for one. Alam niyo na kung sino. Itinanaas ni Jerome ang kamay niya kaya tumahimik kami.
"But we're sorry for the not athletes. Sorry guys, hindi kayo makakapunta," nadismaya namanang karamihan dahil hindi sila athletes.
"But...wag kayong mag-alala dahil wala kayong pasok at open ang Academy para lumabas kayo," dagdag ni Jerome. Nagsigawan ulit sila.
Sobrang saya ko dahil first time kong sasama sa isang field trip. Alam niyo dahil sa kahirapan ng buhay.
Pero kamusta kaya si Mama? Matawagan nga mamaya.
"That's all. Pwede na kayong lumabas at makapag-impaks dahil mamayang hapon kayo aalis," sabi ni Ms. Bianca.
"Wait. Sandaliang guys. May nakalimutan pa pala kaming sabihin. Ang mga soccer team, volleyball team at basketball team ay sa private resort ng ating President, at yung ibang bla bla bla," napa-yes naman kami ni Brix. Kaya napatawa kami ng mahina.
"That's all" lumabas na si Ms Bianca.
Ganun nadin yung mga kaklase namin.
"Sige Klark, mauna na ako sayo," paalam ni Brix sakin.
"Hindi galatang excited ka ah. Hindi talaga," sarkastiko kong sabi.
"I know right," tapos kumindat pa siya. Napailing nalang ako.
Kinuha ko nayung bag ko dahil kaming dalawa namang niJosh ang nandito sa loob.
Lalabas na sana ako nang...
![](https://img.wattpad.com/cover/136175458-288-k825286.jpg)
BINABASA MO ANG
Entering All Boys' School (boyxboy)
Teen FictionA boy named Zhane Klark Anderson. A certified bisexual. But don't judge a book by it's cover. And one day.... He entered an all boys' school. What will happen to him? ••••| This is story between two men with a twist. If you don't want this story, y...