Enter 75 (Part 1): The Consequences

6K 220 12
                                    

[Klark's POV]

Nandito ako ngayon sa volleyball gym. Walang katao-tao kaya malaya akong umiyak dito. Kinuha ko ang bola at pinalo yun. Kumuha ulit ako at pinalo ulit. Papaluin ko pa sana yung isa pang bola nang bigla may nagsalita.

"Kalma Klark," pagtingin ko dun, si Kuya Chad pala. (Remember him? Captain siya ng Volleyball team)

Lumapit siya sa akin. Kaya tumalikod ako sa kaniya at pinunasan ang luha ko.

"Anong meron? Laki ata ng problema mo," tanong niya sa akin.

"K-Kuya Chad....," tinapik niya ako sa balikat.

"Pwede kang mag kwento. Makikinig ako," sabi pa niya. Umupo ako sa sahig. Niyakap ko ang tuhod ko at naiyak ulit.

"K-kuya...b-break na kami...," mas lalo akong napahagulgol sa sinabi ko. Ang sakit talaga. Hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ano? Paano? At bakit?," hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Mahabang kwento kuya. At hindi ko kayang ikwento," hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko.

"Sige. Naiintindihan kita kung hindi mo kaya. Hindi kita pipilitin. Ano na gagawin mo niyan?" - Kuya Chad

"Hindi ko alam Kuya. Siguro, iiwasan ko nalang siya"

"Iiwasan? Paano? Diba dorm mates kayo?," oo nga pala.

"Pero, pwede ka munang mag-stay sa dorm namin. Wala yung dorm mate ko. Isang linggo siyang mawawala," napatigil ako at napatingin sa kaniya.

"T-talaga Kuya?"

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok.

"Oo naman. Hindi ko kayang may nakikita akong nasasaktan na teammate ko," niyakap ko siya.

"S-salamat kuya"

"Wala yun"

Bumitaw na ko sa pagkakayakap sa kaniya. Nag stay kami sa gym ng ilang minuto pa.

Nakatanggap din ako ng maraming messages galing kay CJ. At wala ni isa sa mga tawag niya ang sinagot ko.

[ZK kausapin mo ako please. Ayusin natin to. Hindi ko kayang mangyari 'to]

Yan ang huling text na natanggap ko mula sa kaniya.

"Tara na," aya sa akin ni Kuya Chad. Tumayo na siya at ganun din ako.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Kuya, hindi ba magagalit yung dorm mate mo kapag gagamitin ko yung kwarto niya? Baka magalit-"

"Don't worry. Sinabi ko sa kaniya," pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Salamat Kuya"

"Haha. Maliit na bagay. Kung nagugutom ka, kumuha ka nalang ng pagkain sa ref at iinit mo nalang. Inaantok na ako eh. Maiwan na kita. Kung may kailangan ka pa, wag kang maghihinayang na katukin ako,  sabi niya kaya tumango nalang ako.

Pumasok na ako sa kwarto ng dorm mate ni kuya Chad. Napatingin ako sa loob. Malinis yun. Puno ng picture frames ang wall. Pero napatitig lang ako aa isang picture. Picture yun ni Kuya Chad kasama yung dorm mate niya. Pero napakunot ang noo ko nang hindi lang yun basta picture dahil nakadikit ang labi ni Kuya Chad sa pisngi ng lalaki. Pero napangiti ako kaagad dahil nagets ko na kung ano ang ibig sabihin nun.

Nahiga na ako sa kama at nakatingin sa kisame.

Muling tumunog ang phone ko at pagtingin ko ay pangalan ni CJ ang nakalagay. Nakatitig lang ako sa pangalan niya. But then, hindi ko sinasadiyang sagutin ang tawag na yun.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon