Enter 4: The Condition

20.8K 701 81
                                    

[Klark's POV]

"Good morning Klark," masayang bati sa akin ni Jerome.

"Oh Jerome, kanina ka pa ba diyan? Sorry ha," paumanhin ko.

"Haha. Hindi naman pare, actually kararating ko lang," sabi niya.

Napa-oh nalang ako.

"Teka, saan ang dorm mo?," tanong ko bigla.

"Sa Room number 35," sagot niya. Napatango nalang. Nasa third floor ata yun kung hindi ako nagkakamali.

"So, tara na?," tanong niya.

"Sure"

Anyway, isang simpleng T-shirt lang na may tatak na spongebob sa harapan. Napagtripan ko lang na suotin haha. At pinaresan ko ng black jeans na at white rubber shoes. Habang si Jerome ay nakasuot siya ng checkered at ripped jeans then black shoes. Actually, he's kind of cool to that outfit.

As usual, sa hagdan na naman kami. Grabe, nakakapagod kung alam niyo lang mga kuys. These stairs really suck.

Nang makalabas kami ng dorm building ay nakita ko ang mga estudyanteng pakalat-kalat.

"Ngayon lang sila nagsidatingan," biglang sabi ni Jerome.

"Huh?," kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"Naka-kunot kasi yang noo mo. Haha. Alam kong nagtataka kasi pakalat-kalat sila," natatawa niyang sabi.

"Edi ikaw na," sarkastiko kong sabi.

I heard him chuckle.

Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming tatlong lalake. Naglakad sila ng matino at nag-good morning sila kay Jerome. Pero si Jerome, poker face lang. Ok, that's wierd.

"Bakit ganyan ang mukha mo?," bulong ko sa kaniya.

Nagkibit balikat lang siya ng bilang sagot. Eh...sudden change of mood ganun?

"Ang wierd mo. Haha,"-Ako.

"Bago tayo pumunta sa faculty, daan muna tayo sa Announcement's board para tignan kung anong section natin," ang wierd niya talaga ngayon. Wala na siyang kaemo-emosyon.

"Sure"

•••••|

[Announcement's Board]

Maraming estudyanteng nagkukumpulan  nang dumating kami sa Announcement's Board pero nang mapansin nila na paparating na kami-este si Jerome lang  pala, nahati sila sa dalawa. Kaya naman dumaan kami sa harapan nila at hinanap ang pangalan ko.

Anderson...

Anderson...

Anderson...

Ayun! Nakita ko na!

Nakita ko ang pangalan ko sa 'Special Section'

Teka!!! SPECIAL SECTION ba kamo? Di nga?!! Ang mga nasa  Special Section kasi ang pinakamataas, pinakagalang-galang sa lahat ng mga estudyante.

Ibig sabihin...

"We're done here. Tara na," aya sa akin ni Jerome.

Tumango nalang ako sa kaniya. Nauna siyang nag-lakad kesa sakin. Lalakad na sana ako nang humarang ang mga estudyante kanina. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?," lakas kong tanong.

"Who are you?," tanong ng isang lalake. Masama ang tingin niya sa akin kaya Tumingin ako sa kaniya. Sasagot na sana ako nang may magsalita ulit.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon