Enter 47: Unexpected Confessions

8.4K 435 17
                                    

[Klark's POV]

Dalawang araw bago kami bumalik ulit sa Aeden Academy.

Sina Marcus, nasa school na. Isang linggo lang kasi yung semestral break nila.

Anyway kung tatanungin niyo ang nangyari pagkatapos naming kumain noon. Dumiretso kaming sinehan. Alam niyo nakakaloka? Grabe mga kuys! Muntikan pang magsapakan sina Jerome at CJ! Bakit? Nagtalo sila kung sino daw yung dapat tumabi sakin! At ang nangyari? Sa tabi ni Brix ako umupo. Juice colored! Pero...syempre, kinilig din ako kahit papaano ano. Haha. (Ang landii)

At pagtapos nun, ilang beses naming inikot yung walang hiyang mall na'yun kaya pag-uwi namin, diretso tulog kami. Gabi na nga kami nang magising. Nagpadeliver nalang si Brix ng pagkain. Matatagalan pa kasi bago makaluto kung sakaling magluluto pa kami.

I took a deep sigh.

Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Eh kasi naman si CJ....hindi ko alam kung bakit ganun ang ginagawa niya sakin. Gusto niyong malaman? Syempre, gusto niyo talagang malaman.

Una sa lahat, hindi ko alam kung nagseselos ba siya o sadyang aksidente lang yun. Ganito kasi yun, kunwari ang sweet sweet namin ni Jerome tapos bigla biglang may mahuhulog siyang kahit anong bagay, tulad ng tinidor, kutsara atbp.

Pangalawa, kapag umaalis na sina Brix dito sa bahay, bigla bigla niya akong yayakapin! >////<

Pangatlo, ang sweet niya lalo na kapag kaming dalawa nalang ang magkasama! Bigla bigla niya akong kukulitin, o dikaya ipagluluto nalang niya ako bigla. Sasandal sakin habang nanunuod kami.

At ang panghuli! Ang pinakada-best sa lahat ng da-best! Ang sama ng tingin niya kay Jerome. Lalo na kapag sobrang lapit namin sa isa't isa. Bigla bigla magdadabog o dikaya magpapa-alam na lalabas siya o dikaya naman, lagi niyang sinasabi na "Labas lang ako. May masakit kasi sa mata akong nakikita"

O ngayon! Sabihin niyo sakin! Pwede na ba akong umasa na may gusto siya sakin?

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nandito nga pala ako sa kwarto ko. Nagliligpit. Wala kasi si mama. Pumuntang palengke.

Pagkatapos kong magligpit ng mga kalat ay dumiretso ako sa kusina. Nakakauhaw pala magligpit.

Babalik na sana ulit ako sa kwarto nang may marinig ako na parang nag-uusap sa labas. Ok....bakit parang may nagtutulak sakin na dapat akong lumapit sa nag-uusap at dapat kong marinig ang pinag-uusapan nila. O sadyang usisero lang talaga ako?

••••••••••
[Josh's POV]

Babalik na sana ulit sa loob ng bahay nang may tumawag sakin.

"Christian..." humarap ako sa kaniya. Si Valdemor lang pala 'to.

"Akala ko ba umuwi na kayo?," kunot noo kong tanong.

"Pwede ba tayong mag-usap?,x tanong niya sakin.

Napatawa ako ng mahina.

"Ano ba ang tawag mo sa ginagawa natin?," sarkastiko kong tanong. Imbes na sagutin niya ako ay pumikit lang siya at bumuntong hininga.

"Christian, sagutin mo ang mga tanong ko ng totoo"-Siya

"Ok"-Ako

"Sino ang taong gusto mo," nabigla ako sa tinanong niya.

"Bakit ko sasabihin sa'yo?," tanong ko.

"Sagutin mo nalang ang tanong ko," sabi niya.

"Bakit ko naman sasagutin? Tss. Kung magtatanong ka lang ng walang kwentang bagay, umalis ka na," sabi ko sa kaniya.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon