Enter 56: CJ's Surprise

7K 374 12
                                    

[Josh's POV]

Hindi ko parin maalis ang ngiti ko dahil bukas ay unang buwan na namin bilang magboyfriend ni ZK.

"Para kang tanga diyan. Kanina ka pa nakangiti mag-isa," rinig kong sabi niya (ZK)

Tumingin ako sa kaniya at mas lalo pang lumaki ang ngiti ko. Maniwala man kayo o hindi, hindi pa nangangawit panga ko sa kakangiti. Gaya nga ng sabi ko sa kaniya noon, siya ang dahilan ng pagngiti ko.

Imbes na sagutin siya ay hinalikan ko siya labi, yung mabilisan lang naman. Itinulak niya ang noo.

Lalo tuloy na akong napangiti. Nanliit yung cute niyang mga mata.

"Nagpapa-cute ka ba sakin?," tanong pa niya.

"Bakit? Effective ba?," tanong ko naman pabalik.

"Well, konti lang," sagot naman niya.

"Konti? Bakit hindi mo nalang aminin?"-Ako

"Bakit ko naman aaminin? Kung pwede namang hindi?," tapos ngumisi siya sakin.

"Ganun? So hindi ka aamin?," tanong ko at umiling siya.

"Ganun pala ah. Pwes kung hindi ka aamin, gagawa ako ng paraan para umamin," sabi ko sa kaniya then I grinned.

Bigla namang siyang lumayo sa akin kaya lumapit ako sa kaniya at siya namang paglayo niya ulit.

Ngumisi ako sa kaniya.

Iniharang niya ang kamay niya.

"Wag kang lalapit! Babaliin ko buto mo!," banta niya.

"Kaya mo?," hamon ko.

"Oo pero ayokong gawin," diretso niyang sabi sakin kaya napangiti ako, napangisi rather.

Nang medyo malapit na ako ay bigla ko niyang hinawakan sa braso.

"Waaahhhh! Bitawan mo ako! May masama kang balak sa akin! Waaahhh?," sigaw niya habang nagpupumiglas. Niyakap ko siya at binuhat at inihiga sa sofa.

"Anong gagawin mo sa akin? Aaaahhh!," sigaw niya nung umupo ako sa bandang diyan niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at sunod-sunod siyang napalunok. Tinitigan ko siya sa mata at bigla ko siyang......kiniliti! Oo!

Kaya ah! Akala niyo kung ano na ang gagawin ko sa kaniya.

"Ahahahaha...C-CJ!! T-ta-tama na. Pffft," patuloy ko paring kinikiliti.

"So ano? Aamin ka na?," umiling siya at tinakpan ang bunganga niya.

"Ganun?," mas lalo ko siyang kiniliti haggang sa...

"Oo na! Aamin na ako! Hahahah. Pero hindi ka cute kasi gwapo ka!," sabi niya habang tumatawa. Tumigil na ako sa pangingiliti sa kaniya. Humiga ako sa mismong ibabaw niya.

"Ang b-bigat mo CJ," reklamo niya pero alam kong nakangiti siya ngayin. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya at hinalikan ko yun.

"Wag diyan!," he said in between of his laugh.

Napatawa ako ng mahina.

"I love you," bulong ko sa tenga niya.

"I love you too Love," mas lalo ko pang ibinaon ang mukha ko sa leeg niya.

"C-CJ, ang bigat mo. Seryoso na'to," sabi niya kaya umalis na ako sa ibabaw niya.

"Ang sarap pala mahiga sa ibabaw mo," parang ang perv ng dating!

"Ewan ko sa'yo! Matulog na nga tayo," sabi niya.

"Wait, inom ka muna ng gatas bago matulog," sabi ko.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon