Enter 64

5.3K 265 14
                                    

[Klark's POV]

"I'm just too curious. Paano kayo nagkakilala ni Josh?," nagtatakang tanong ni Jona.

"Nakilala ko siya dahil si mama ay katulong nila dati..?," hundi ko sure na sagot.

"Bakit parang hindi ka sigurado?," kunot noong tanong ulit ni Jona.

"Because he lose some of his memories. That's why," biglang sulpot ni CJ sa kung saan.

"Oh. Anyway, ang saklap naman pala ano? Pero sabi nga nila, when the minds forget, the heart will remember," napangiti ako sa sinabi ni Jona.

Hindi ako makapaniwala na kaibigan ko na si Jona. Kahapon nga lang nagkasakitan kami. Haha. But...hindi ko muna siya pagkakatiwalaan ng todo. Bakit? Kasi nasa 21st century na kaya tayo!

"Tama ka diyan. At kahit nawala ako sa memorya niya, hindi parin yung ang sapat na dahilan para hindi kami ang magkatuluyan....," napatingin ako kay CJ dahil sa pagiging seruyoso niya.

"Walang kahit na ano o sino para hindi kami ang magkatuluyan hanggang huli at gagawin ko ang lahat para hindi mangayari yun," namula nalang ako nang halikan niya ako sa harapan mismo ni Jona. Diba nga...mahal daw niya si CJ.

"Ang sweet naman," rinig kong sabi ni Jona which makes me feel weird.

•••••••••••••••
[Jona's POV]

Eww. Tama bang maghalikan sila sa harapan ko? Kakadiri. Nakakasuka. At itong namang maharot na bakla na'to, may pamula mula pang nalalaman. Akala mo naman kung sino. Duh!

Nagpaalam nalang ako sa kanila na kunwari may gagawin ko. Pero ang totoo, gagawa lang ako ng plano.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Andrea. Ang oh-so-called kong friend dito sa Pinas.

[Yes bessy? What can I do for you?] rinig kong sabi niya sa kabilang linya. I rolled my eyes.

"Duh. Will you stop speaking in English? Hindi bagay sa'yo. Anyway, may ipapagawa ako sa'yo," sabi ko. Tinignan ko pa ang paligid ko kung may nakikinig. Buti nalang wala. Iba na ang nakakasigurado kaysa naman sa may makarinig at baka hindi pa matuloy ang plano ko.

[Grabe ka sa akin bessy ah. Eh ano bang ipapagawa mo?]

"Let's meet up. Send ko nalang sa'yo ang address"

Hindi pa siya nakakasagot at pinutol ko na ang tawag

Bumalik na ako sa loob at nakita ko silang masayang nag-uusap. Hintayin niyo, maghihiwalay din kayo. At sisiguraduhin kong mangyayari yun.

•••••••

Pagkatapos kong magpalit, agad na akong lumabas sa kwarto.

"Saan ka pupunta?," tanong sa akin ni Klark.

"Ah may imi-meet lang akong friend. Matagal-tagal na din kasi simula nung magbonding kami," just eww. Bakit yun pa ang dinahilan ko? Kakasuka. Duh. Kung hindi ko lang siya kailangan sa plano ko, hindi ko yung kikitain.

"Ah. Ingat ka," sabi niya.

"Salamat," yuck talaga!

Agad na akong tumalikod. Geez. Baka kapag nagtagal ako sa pakikipag-usap sa baklang yun, baka masuka na ako.

Tinext ko ang address kay Andrea. She replied, "Okay bessy"

Sa isang starbucks kami mag-uusap. At pagkarating ko dun ay naghintay lang ako ng dalawang minuto bago dumating si Andrea.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon