Enter 73

4.5K 196 7
                                    

[Klark's POV]

"Saan ka ba talaga galing?," tanong sa akin ni CJ.

"Naisipan ko kasing kumain ng fishball. Sorry na love. Magpapaalam na ako next time," sabi ko at ngumiti sa kaniya. *sigh* Sorry CJ kung magsisinungaling ako sa'yo.

Tinitigan niya muna ako bago siya napabuntong hininga.

"Naniniwala naman ako sa'yo eh. Basta pangako mo yan ah. Magpapaalam ka na sa susunod," sabi niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Opo," sagot ko at niyakap siya. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya tapos tumingin ako sa kaniya.

"I love you," sabi ko sa kaniya at hinawakan siya sa batok.

"I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you," sabi ko at hinalik-halikan siya. Nagkasalubong ang kilay niya.

"Anong nakain mo? Ang wierdo mo," natatawa niyang sabi.

"Fishball," pilisopo kong sagot, as if kumain talaga ako nun.

"Haha. Oo na. I love you more"

"I love you most," tapos hinalikan ko ulit siya.

"Ang wierdo mo talaga ngayon," natatawa niyang sabi.

"Gustong-gusto mo naman," sabay ngisi ko.

Ngumiti naman siya na talagang kitang kita naman na gustong gusto niya talaga -_-

Napailing at natawa nalang ako. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

Alam niyo yung pakiramdam ng feeling niyo mawawala nalang bigla ang isang tao sa buhay mo kaya parang sinusulit niyo na?

Naramdaman kong niyakap din niya ako pabalik.

Oo nga pala, nasa kwarto niya ako. Nakahiga kami. Hehe. Wala, trip ko lang na dito kami magtambay.

Tinignan ko ulit ang mukha niya. Nakapikit siya at halatang tulog. Ang bilis naman. Inayos ko ang sarili ko at hinawakan ko ang pisngi niya.

Tinitigan ko ng maigi ang bawat parte ng mukha niya. Yung kilay, yung pisngi, bibig, ilong.

"CJ?," tawag ko sa kaniya para makasiguro kung tuloy ba siya o hindi.

"CJ?," tawag ko ulit sa kaniya.

Wala naman akong natanggao ng response mula sa kaniya.

"CJ, sorry. Sorry kung nagsinungaling ako kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal kita CJ pero si m-mama. Siya nalang yung meron ako," I bit my lower lip para pigilan ang pagluha ko.

Niyakap ko nang ulit siya.

"Sorry..."

°°°°°°°°°°°°°°°°°

"ZK...gising na. Kakain na tayo ng hapunan," naramdaman ko pang niyugyog niya ako.

Kinusot ko muna ang mga mata ko bago bumangon. Humikab pa ako.

"Anong oras na Love?," tanong ko sa kaniya.

"9:26 Love," sagot niya. Gabi na pala. (Hindi koya. Umaga palang!)

Since nakaupo siya sa tabi ko, sinandal ko ang likod ko sa kaniya.

"Mag ayos ka na. Kakain na tayo," sabi niya.

"Inaantok pa ako," sabi ko sa kaniya.

"Bumangon ka na"

"Inaantok pa nga ako. Hindi na ako kakain--" bigla niya akong itinulak kaya medyo napasubsob ako sa kama.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon