[Josh's POV]
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon. Matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa dahil sa wakas, nakita ko na ulit ang tree house na'to. Malulungkot dahil naaalala ko na naman ang mga masasayang araw namin ni ZK dito.
"Tara na, akyat na tayo," sabi niya tapos umakyat siya sa hagdan.
Umakyat narin ako.
Pagpasok namin ay mga picture ang nakita kong nakadikit sa isang dingding. Nandun si ZK kasama niya ang mga pinsan niya. Kilala ko yang mga yan. Haha.
Tapos may comics books sa isang maliit na book shelf. Tapos hinanap ko yung isang importante sakin-samin.
Napangiti ako nang makita ko yun.
Nilapitan ko ito.
"Wuy...ano ginagawa mo diyan?," tanong sakin ni ZK tapos lumapit siya.
"Anong laman nito?," inosente kong tanong sa isang malaking kahon. As in malaki talaga. Kasiya ang isang tao dito.
"Ewan ko diyan. Tinatanong ko nga kay mama kung anong laman ng kahon na yan pero ayaw niyang sabihin. At tsaka hindi mo yan mabubuksan dahil naka-lock," dismayado niyang sabi. Napangisi ako. Agad kong kinuha ang wallet ko ay kinuha ang susi. Actually, ako ang nag-lock nito bago siya naaksidente at nawalan ng alaala.
Lumukod ako at hinanap ang padlock ng kahon tsaka ko binuksan.
"T-teka...p-paanong....b-bakit na sayo ang susi?," tanong niya. Ngumisi akong tumingin sa kaniya.
"Binigay ni Tita," ngisi kong sabi. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Ano? Ang daya naman ni mama! Bakit sayo binigay? E ako naman ang anak?," reklamo niya.
Nagkibit-balikat at natawa nalang ako habang binukbuksan ang kahon. Lalo akong napangiti nang makita ko ulit ang dalawang teddy bears na kulay blue na human size. Ito yung teddy bears na lagi naming nilalaro. Remember nung nag-flashback ako?
"Waaa...human size teddy bears?!!!," gulat niyang tanong.
Agad siyang umupo sa tabi ko kinuha ang isang teddy bear. Niyakap niya din ito. Nakangiti akong tumingin sa kaniya. Ganitong ganito ang pakiramdam ko nung niyakap niya ang teddy bear nayun sa unang pagkakataon.
Kinuha ko din yung isa at niyakap.
"Teddy bears lang pala ang laman ng kahon na yan eh," natatawang sabi ni ZK.
•••••
Pababa na kami ng tree house. Ang dami naming ginawa dun. Mga nakakatawa. Tinignan namin lahat ng photo album dun. Ay mali, may isa palang photo album na wala na dun. Bimuntong hininga ako.
"Ang lalim nun ah. Haha," sabi niya. Narinig niya ata yung pagbuntong hininga ko.
"Haha. Bakit? Bawal na bang bumuntong hininga ngayon?," sarkastiko kong tanong.
"Oo. Bleh," tapos pinitik niya ang tenga ko.
"Aray! Masakit yun ah," reklamo ko. Agad naman siyang tumakbo palayo.
"Hoy! Wag kang tumakbo! Hoy! Gaganti pa ako!," sigaw ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sakin at bumelat.
"Habulin mo ko kung kaya mo," tapos ngumisi siya. Aba't hinahamon mo ba ako nito? I smirk. Agad narin akong tumakbo para mahabol siya.
Malapit ko na siyang maabutan kaso may biglang dumaan na aso sa harapan ko kaya napatigil ako.
"Ang mahuling makarating sa bahay, pangit!," rinig kong sigaw ni ZK.
"Madaya ka! Nauna ka!," reklamo ko.
BINABASA MO ANG
Entering All Boys' School (boyxboy)
Teen FictionA boy named Zhane Klark Anderson. A certified bisexual. But don't judge a book by it's cover. And one day.... He entered an all boys' school. What will happen to him? ••••| This is story between two men with a twist. If you don't want this story, y...